News Releases

English | Tagalog

Toni-Alex, Aga-Bea bida sa KBO ngayong Pebrero

February 15, 2019 AT 01:49 PM

Toni-Alex, Aga-Bea movies lead KBO this February

Sisters Alex and Toni Gonzaga face off to capture the heart of Sam Milby as Aga Mulach and Bea Alonzo rediscover love in this month’s KBO features.

Sa TV premiere ng “Mary, Marry Me” at “First Love”

Tampok ang paghaharap ng magkapatid na Alex at Toni Gonzaga para sa puso ni Sam Milby sa “Mary, Marry, Me” at ang unang pagsasama naman nina Aga Muhlach at Bea Alonzo na “First Love” ngayong Pebrero sa KBO.
 
Sa pag-uwi ni Mary Anne (Alex) sa bansa para sa kanyang kasal sa kanyang fiancé na si Pete (Sam), kinakailangan niya ang tulong ng kanyang kapatid na si Mary Jane (Toni) na isang wedding coordinator. Ngunit isang problema ang susubok sa dalawa nang malaman ni Mary Anne na si Pete pala ay dating karelasyon ni Mary Jane.
 
Samantala, panoorin rin ang big screen team-up nina Aga at Bea sa 2018 Star Cinema film na shinoot sa Canada ngayong Pebrero 23 hanggang 25.
 
Idinirehe ni Paul Soriano, panoorin kung paano bubuhayin ni Ali (Bea) ang puso ni Nick (Aga) na magmahal muli bago mahuli ang lahat.
 
Patuloy ang masayang panonood sa ABS-CBN TVplus dahil extendeded din ang free trial ng bagong channels.
 
Para panorin ang KBO movies, mag-register gamit ang prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, mag-load lang (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang inyong box ID; i-text ang KBO30 (date)<TVplus box ID> sa 2366.
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin angwww.abscbnpr.com.