News Releases

English | Tagalog

Kapamilya stars, ipapakita ang galing sa sports sa "Sports U"

February 07, 2019 AT 11:25 AM

Kapamilya stars show off their sports skills in "Sports U"

Gerald Anderson, Donny Pangilinan, Ronnie Alonte, Julia Barretto, Loisa Andalio, and Inigo Pascual show their athletic side in "Sports U."

Saksihan ang pagpapakitang-gilas at pagkakaisa ng mga Kapamilya stars sa likod ng camera sa “Sports U” ngayong Huwebes (Pebrero 8) sa ABS-CBN. Abangan kung paano naging kampeon sa basketball sina Gerald Anderson, Donny Pangilinan, Ronnie Alonte, at iba pang artista sa Sun vs Stars Star Magic Sportsfest kamakailan lang. Bukod kina Gerald, panoorin rin ang galing nina Iñigo Pascual at Erich Gonzales sa badminton at ang talento nina Julia Barretto at Loisa Andalio sa volleyball. Samantala, makikilala naman ng host na si Dyan Castillejo ang Ateneo Lady Eagle na si Dani Ravena, na nais ring gumawa ng sariling pangalan sa volleyball, at ang “Titas and Titos ng Antipolo,” na ipapakita na kahit may edad na, ay maaari pa ring mag-enjoy sa Zumba. Panoorin ang mga kwentong panalong ito sa “Sports U” ngayong Huwebes (Pebrero 8) ng 9:30 pm sa DZMM TeleRadyo at pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Manood online sa iwant.ph o skyondemand.com.ph. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.