News Releases

English | Tagalog

Pacio-Saruta rematch, bibida sa ABS-CBN S+A

April 10, 2019 AT 05:55 PM

Pacio-Saruta rematch headlines ONE Championship on ABS-CBN S+A

Yosuke Saruta is staking his ONE Strawweight World title belt against former champion, and Team Lakay star, Joshua “The Passion” Pacio in the upcoming ONE Championship “Roots of Honor” that will air LIVE on ABS-CBN S+A and S+A HD on Friday (April 12) starting at 8:30 pm from the Mall of Asia Arena in Pasay City.

Makabawi na kaya ang Team Lakay?
 
Itataya ni Yosuke Saruta ang kanyang ONE Strawweight World title belt kontra sa dating kampeon, at pambato ng Team Lakay, na si Joshua “The Passion” Pacio sa nalalapit na ONE Championship “Roots of Honor” na mapapanood ng LIVE sa ABS-CBN S+A and S+A HD ngayong Biyernes (Abril 12) simula 8:30 pm sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
 
Halos wala pang tatlong buwan mula ng masungkit ni “Tobizaru” ang ONE Strawweight Division na titulo mula kay Pacio sa harap ng mga gulat na fans sa Jakarta. Nagsilbi itong simula ng mga pagkatalo para sa pinakamahusay na koponan ng Pilipinas sa mixed-martial arts na Team Lakay, kung saan nawala lahat ang hawak nilang mga titulo. Ngunit nangako si Pacio (13-3, 7 submissions) sa presscon sa City of Dreams kahapon (Abril 9) na tatayo siyang muli bilang kampeon.
 
“Nawalan ako ng pokus, nag-hesitate ako, at umatras masyado kontra kay Saruta. Susundin ko na ang gameplan namin at sisiguraduhin kong tatayo ako sa winner’s circle ngayong Biyernes (Abril 12),” sabi ni Pacio.
 
Para naman sa kampeon na si Saruta (19-8, 5 KOs), nais niyang matapos ang laban sa ibang paraan kumpara sa nangyari sa Jakarta. Nahirapan ang mandirigma galing Japan kontra kay Pacio. Pinapangako  ni Saruta na kakaibang “ninja” ang magpapamalas ng galing sa Pilipinas sa Biyernes (Abril 12).
 
Samantala, makakasama ng Pacio-Saruta rematch ang bakbakan sa ONE Featherweight  Division para sa titulo ni Martin “The Situ-Asian” Nguyen kontra sa dating world champion mula Mongolia na si Narantungalag Jadambaa. Hindi importante umano ang edad ayon kay Jadambaa (14-5), na sa edad na 43, ay hindi na makapaghintay na lumaban sa 30-anyos na kampeon mula Australia na si Nguyen, na kilalang knockout artist sa kanyang kartadang 11-3, 7 KOs.
 
Bukod kay Pacio, may dalawa pang Pinoy na lalaban sa naturang fightcard ng ONE Championship sa magkapatid na Eric at Edward Kelly. Makakalaban ng nakakatandang Kelly, na kilala bilang “The Natural,” mula sa Pinoy Top Team ang Koreanong si Kwon Won Il, habang si Edward, na mula sa Team Lakay, ang haharap kay Sung Jong Lee sa undercard.
 
Huwag palampasin ang napipintong rematch nina ONE Strawweight Division world champion Yosuke “Tobizaru” Saruta kontra Pinoy pride at pambato ng Team Lakay, Joshua “The Passion” Pacio sa ONE Championship’s “Roots of Honor” na mapapanood ng LIVE sa S+A at S+A HD mula sa Mall of Asia Arena sa Pasay City simula 8:30 pm ngayong Biyernes (Abril 12).
 
Para sa mga karagdagang istorya at balita sa ONE Championship, sundan lamang ang @ABSCBNSports sa Twitter at Facebook o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan lamang ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o bisitahin ang www.abscbnpr.com.
-30-