News Releases

English | Tagalog

Davao at San Juan, magsasalpukan muli sa Game 2 ng MPBL Datu Cup Championship

April 12, 2019 AT 02:20 PM

San Juan and Davao clash anew for national title in MPBL Datu Cup championship

Filipinos from north to south will get to witness Game 2 of the Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup Finals between division champions San Juan Knights and Davao Occidental Tigers as it beams LIVE this Saturday (April 13) on the country’s number one channel ABS-CBN at 3:30 pm, with livestreaming on iWant Sports.

MPBL, magpapakitang-gilas sa ABS-CBN…

Matutunghayan ng buong bansa ang ikalawang paghaharap ng Davao Occidental Tigers at San Juan Knights sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup Finals, sa pagpapalabas ng Game 2 ng LIVE sa numero unong channel sa bansa an ABS-CBN ngayong Sabado (Abril 13) ng 3:30 pm, at may livestreaming pa sa iWant Sports.
 
Una nang nakasungkit ng panalo ang Knights kagabi (Abril 11), matapos nila pataubin ang Tigers 84-74 sa pangunguna nina John Wilson at Mac Cardona sa Game 1 ng kanilang Best of Five series na ginanap sa Davao City Recreation Center.
 
Malaking bagay para sa liga na pagmamay-ari ni Pinoy boxing icon Manny Pacquiao na umere sa ABS-CBN, ang numero unong channel sa bansa, at sa iWant Sports. Napapanood lamang ang mga laro ng liga sa S+A at S+A HD sa gabi ng mga masugid na fans ng basketball.
 
Pinaglalabanan ng dalawa ang pambansang kampeonato matapos mag-hari sa kani-kaniyang dibisyon. Dinurog ng Tigers ang ang Batangas City Athletics sa iskor na 66-51 sa huling laro ng South Division finals. Samantala, sinandalan naman ng San Juan ang kanilang depensa kontra Manila Stars, at tinalo nila ito sa iskor na 84-75 sa serye nila para sa North Division finals.
 
Ito ang unang beses na maipapalabas ang laro sa MPBL, na nasa ikalawang taon na, sa ABS-CBN. Napapanood ang mga laban sa ligang itinatag ni Sen. Manny Pacquiao sa sports channel ng ABS-CBN na S+A sa free TV at S+A HD sa cable TV. Sa format nitong home and away, agad itong kinagiliwan ng mga basketball fan sa buong bansa lalo na at napapanood nila sa “Liga ng Bayan” ang mga nagbabalik na basketball star mula sa professional at collegiate leagues at mga magagaling na manlalaro na hindi pa nadiskubre at mula mismo sa kanilang lugar. .
 
Huwag palampasin ang pasabog sa MPBL Datu Cup Finals na mapapanood sa unang pagkakataon sa ABS-CBN at livestreaming sa iWant Sports sa bakbakan ng Davao Occidental Tigers at San Juan Knights ngayong Sabado (Abril 13) ng 3:30 pm. Mapapanood naman ang replay nito ng 7 pm sa S+A.
 
Para sa mga karagdagang istorya at balita sa “Liga ng Bayan” na MPBL, sundan lamang ang @ABSCBNSports sa Twitter at Facebook o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan lamang ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o bisitahin ang www.abscbnpr.com.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE