News Releases

English | Tagalog

MAYWARD, PUMIRMA NG KONTRATA SA ABS-CBN

April 26, 2019 AT 06:32 PM

MAYWARD SIGNS CONTRACTS WITH ABS-CBN

Love team MayWard, consisting of Maymay Entrata and Edward Barber, officially inked their respective two-year network contracts with ABS-CBN.

Pumirma ng dalawang-taong network contract ang tambalang MayWard—na binubuo nina Maymay Entrata at Edward Barber—sa ABS-CBN kamakailan.
Pinagbibidahan ni Edward ang pinakabagong fantaserye ng Kapamilya network na “Hiwaga ng Kambat” na siyang pumalit sa “Wansapanataym.” “Sobrang focused ang mga tao sa kani-kanilang trabaho sa set. Makikita mo man silang pagod matapos ang isang buong araw, worth it naman lahat ng pagod para sa mga Kapamilya viewer natin,” ani Edward.
Samantala, si Maymay naman ay abala sa pagte-taping ng Kathryn-Alden movie na “Hello, Love, Goodbye.” “Nung una sobrang kabado ako pero naging komportable rin naman ako sa co-actors ko lalo na nung makita kong sobrang caring nila,” pahayag ni Maymay. Mapapanood din si Maymay sa fantaseryeng “Hiwaga ng Kambat.”
Dumalo sa pirmahan ng kontrata sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, ABS-CBN president at chief executive officer Carlo Katigbak, chief operating officer ng broadcast Cory Vidanes, head ng treasury, investor relations, business decision support at finance operations cluster 2 Rick Tan, Star Magic head Johnny Manahan, at ang ama ni Edward Barber na si Kevin.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE