News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN nangibabaw pa rin noong Marso

April 04, 2019 AT 01:13 PM

ABS-CBN stays on top in March

ABS-CBN remained unbeatable as the most watched network in March as nine Kapamilya shows continue to entertain and empower viewers, leading it to record an average audience share of 47%, or 17 points higher compared to GMA’s 30%, according to data from Kantar Media.

Siyam na Kapamilya shows patuloy na naghari sa most watched programs
 
ABS-CBN pa rin ang pinakapinanood na TV network sa buong bansa noong Marso matapos mangibabaw ang siyam na Kapamilya shows sa top ten list ng mga pinakapinanood na programa, kaya naman nakapagtala ito ng average audience share na 47%, laban sa 30% ng GMA, ayon sa datos ng Kantar Media.

Hindi pa rin natitinag ang “FPJ’s Ang Probinsyano” (42.4%) bilang numero unong programa sa buong bansa dahil sa kapanapanabik na mga eksena nito. Sinundan naman ito ng “The General’s Daughter” (32.3%) na kinapitan ng viewers kahit may bago itong kalaban na programa.

Inabangan din ang “World of Dance Philippines” (31.5%) tuwing weekend na nananatiling pinakapinanood na programa tuwing Sabado at Linggo, habang “TV Patrol” (30.9%) ang tinatangkilik ng viewers para sa makabuluhang mga balita na hatid nito.

Patuloy namang nagbigay ng inspirasyon buong Marso ang “Maalaala Mo Kaya” (28.7%), samantalang hindi bumitaw ang viewers sa mabagsik na mga eksena ng mga bida ng “Halik” (24.5%).

Kabilang din sa top ten list ang magazine show na “Rated K Handa Na Ba Kayo?” (22.2%), ang mga mahiwagang kwento ng aral sa “Wansapanataym” (21.9%), at ang sit-com na “Home Sweetie Home Walang Kapares” (21.6%).

Samantala, patuloy pa rin na nanguna ang Kapamilya network sa buong bansa, particular na sa Metro Manila kung saan nagtala ito ng average audience share na 44%, laban sa 24% ng GMA, at sa Mega Manila kung saan nagkamit naman ito ng average audience share na 38%, kumpara sa 30% ng GMA. Nangibabaw din ang ABS-CBN sa Total Luzon kung saan nagrehistro ito ng 41%, laban sa 33% ng GMA; sa Total Visayas kung saan nagtala ito ng 57%, laban sa 23% ng GMA; at sa Total Mindanao kung saan nakaani ito ng 56%, laban sa 25% ng GMA.

Panalo rin ang ABS-CBN sa lahat ng timeblocks, partikular na sa primetime block (6 PM to 12 MN) na nagkamit ng average audience share na 50%, o 20 na puntos na lamang laban sa 30% ng GMA. Ang primetime block ang pinakaimportante parte ng araw kung kailan karamihan sa mga Pilipino ay nanonood ng telebisyon at inilalagay ng advertisers ang malaking parte ng kanilang investment upang makaabot sa mas maraming consumers.
 
Tinutukan din ang Kapamilya network sa morning block (6 AM to 12 NN) na nagrehistro ng 38%, kumpara sa 28% ng GMA; sa noontime block (12 NN to 3 PM) na pumalo sa 48%, laban sa 29% ng GMA; at sa afternoon block (3 PM to 6 PM) na nagkamit ng 49%, at tinalo ang 30% ng GMA.
 
 Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.