News Releases

English | Tagalog

"Jack Em Popoy" magbibigay saya sa sa KBO

May 14, 2019 AT 09:44 AM

Walang tigil na katatawanan ang dala ng KBO ngayong Mayo sa TV premiere ng kinagiliwang pelikula nina Coco Martin, Maine Mendoza, at Vic Sotto na "Jack Em Popoy: The Puliscredibles."

 

Naging susi  ang "Jack Em Popoy: The Puliscredibles" para ipagsama sina Coco, Maine, at Vic sa iisang pelikula. Hindi naman binigo ng manonood ang tatlo dahil pumatok ito sa takilya at nakapagtala ng P300 million.

 

Nanalo din ang pelikula ng Best Editing at nabigyan ng FPJ Memorial Award  sa nakaraang 2018 MMFF Awards.

 

Mag-enjoy sa kwento ng tatlong pulis na sina Jack (Coco), Popoy (Vic), at Emily (Maine) na nagsama-sama sa isang misyon para tugisin ang drug lord na si Andrew Montenegro (Arjo).  Panoorin ito ngayong darating na May 17 hanggang May 21.

 

Kabilang din sa cast sina Tirso Cruz III, Arjo Atayde, Lito Lapid, Mark Lapid, at Ryza Cenon.  

 

Maliban sa pelikula nina Coco, mapapanood din ngayong Mayo ang digitally restored at remastered films ng Optimum Star na si Claudine Barretto na  “Milan" (May 10 to 14), "Got to Believe" (May 24 to 28), at“Dubai" (May 10 to 14). Tampok din sa line-up ang TV premieres ng "Sakaling Maging Tayo" (May 10 to 14) nina Mccoy de Leon at Elisse Joson. at "Hanggang Kailan" (May 24 to 28) nina Xian Lim at Louise Delos Reyes.

 

Para panorin ang KBO movies, mag-register gamit ang prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, mag-load lang (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang inyong box ID; i-text ang KBO30 (date)<TVplus box ID> sa 2366.

 

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahinangwww.abscbnpr.com.