News Releases

English | Tagalog

Ancajas, magpapakitang-gilas na sa ABS-CBN S+A

May 02, 2019 AT 02:15 PM

Pinoy “Pretty Boy,” dedepensahan ang korona…

Mapapanood ng Pinoy boxing fans ang isa sa pinakamahusay na Pilipinong boksingero ngayon na si Jerwin “Pretty Boy” Ancajas sa kanyang laban kontra kay Ryuichi Funai ngayong Linggo (Mayo 5) para sa IBF Superflyweight World Championship.
 
Live na ipapalabas sa ABS-CBN S+A ng 10 am ang bakbakan mula sa Stockton Arena sa California, USA para sa unang pagpapakitang-gilas ni Ancajas sa sports channel ng ABS-CBN.
 
“Malaking opportunity na maipalabas sa pinakamalaking network. Siguradong mapapanood na nila ang laban ko sa amin sa Davao,” bahagi ni Ancajas sa ABS-CBN Sports noong press conference niya noong ika-11 ng Abril, kung saan inanunsyo ang pagsasanib-pwersa ng ABS-CBN Sports at ng kanyang mga promoter.

Dalawang taon nang namamayagpag si Ancajas (30-1-2; 20 knockouts) sa kanyang dibisyon at anim na beses nang naidepensa ang korona mula 2016. Ika-pitong susubok si Funai, na may baong 31-7-0 rekord at 22 na knockout.
 
Sasandalan ni Ancajas, na tumabla kay Alejandro Santiago Barrios sa kanyang huling laban, ang kanyang husay sa technical boxing pati na ang kanyang pambihirang lakas laban kay Funai, na sa huling tatlong laban ay pinatulog ang kanyang mga kalaban.
 
Huwag palampasin ang unang paglabas ni Jerwin Ancajas sa S+A at S+A HD kontra kay Ryuichi Funai para sa IBF Superflyweight World Championship sa darating na Linggo (Mayo 5) LIVE mula sa Stockton Arena sa Stockton, California, USA ng 10 am.
 
Para sa balita kay Jerwin Ancajas, bumisita lamang sa sports.abs-cbn.com at sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin angwww.abscbnpr.com.