News Releases

English | Tagalog

“Doraemon,” magbibigay saya sa YeY simula Mayo 27

May 24, 2019 AT 06:48 PM

Masayang panonood ang ihahatid ni ”Doraemon” sa kauna-uanhang pag-ere ng mga “never before seen episodes”  nito sa YeY Channel ng inyong ABS-CBN TVplus simula ngayong Mayo 27.
 
Sundan ang ating favorite robotic cat na may pambihirang bulsa kasama ang kanyang mga kaibigang sina Nobita, Shizuka, Suneo, at Gian.  
 
“Masaya kami at very excited dahil Kapamilya na si Doraemon at ang mga kaibigan nito. Siguradong maghahatid sila ng hindi lamang ng kasiyahan, pati na mabuting aral sa mga kabataang Pilipino,” ani ni YeY Channel Head Danie Sedilla-Cruz.
 
Abangan ang “Doraemon” sa Mayo 27, 5PM hanggang 6PM sa YeY Channel  ng ABS-CBN TVplus.
 
Ang YeY ay isang free at exclusive na channel sa ABS-CBN TVPlus, na makukuha sa one-time payment na P1499. Ang ABS-CBN TVPlus signal coverage ay available sa Metro Cebu, Cagayan De Oro, Iloilo, Bacolod, Davao, Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Pangasinan, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Benguet, Batangas at Cavite. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang tvplus.abs-cbn.com at sundan ang ABS-CBN TVplus at YeY sa Facebook. Maaari ring mag-subscribe sa YeY YouTube channel para makapanood ng YeY araw-araw.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o puntahan ang www.abs-cbn.com/newsroom.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE