News Releases

English | Tagalog

KBO, sagot ang Father's Day celebration buong Hunyo

May 24, 2019 AT 06:19 PM

Maki-bonding kasama ang inyong mga tatay ngayong Hunyo sa pinakabagong regalo ng KBO sa manonood na KBO99. 

 

Isang buong buwan nang mapapanood ang TV premieres ng mga bagong pelikula, pati na ang mga hindi malilimutang box-office hit movies sa ABS-CBN TVplus sa halagang P99 pesos.

 

Huwag palampasin ang pelikula nina Arjo Atayde, Ketchup Eusebio, Joross Gamboa, at Jessy Mendiola na " 'TOL." Panoorin ang matibay na pagkakaibigan nina Lando (Arjo), Arthur (Ketchup), at Dimitri (Joross), na masusubukan sa pagbabalik ng kanilang first love na si Elena (Jessy). Tuluyan kayang masira ng babae ang matagal ng pagsasamahan ng tatlo? Abangan iyan ngayong Mayo 31 hanggang Hunyo 4.

 

Samahan naman si Karla Estrada sa kanyang first lead role sa pelikula na "Familia Blondina" ngayong Hunyo 7 hanggang 12.  Makikila siya bilang si Cindy, isang babaeng nakapangasawa ng Amerikano at nagkaroon ng tatlong anak. Ngunit ang kanilang relasyon ay hindi nagtagal kaya naman umuwi siya kasama ng kanyang mga anak. Hindi nagtagal, makikilala niya ang karakter ni Jobert Austria na susubok muling buksan ang kanyang puso. 

 

Tambalan naman sa unang pagkakataon nina Enzo Pineda at Winwyn Marquez sa "Time & Again" ang mapapanood sa Hunyo 14 hanggang 18.  Sundan ang kwento ni Apol na isang manunulat at waitress na iibig sa customer niyang si Ozi na gagampanan ni Enzo Pineda. Gamit ang nakuha niyang orasan na pwedeng makapagpabalik ng oras, gagamitin niya ito para mas mapalapit kay Ozi. 

 

Maliban sa tatlong palabas, mapapanood din sa unang pagkakataon ang "Pansamantagal" ni Bayani Agabayani at "Papa Pogi" ni Teddy Corpuz. Bukod pa sa fresh movies, panoorin din muli ang mga pelikula ni Aga Muhlach na "Seven Sundays," "Sana Maulit Muli," at "May Minamahal." 

 

Para panorin ang KBO movies, mag-register gamit ang kahit na anong SIM. I-text ang KBO99 JUN <TVplus box ID> sa 2366.