News Releases

English | Tagalog

Mga guro at estudyante, aprubado ang ABS-CBN

June 06, 2019 AT 12:25 PM

Kapamilya network, humakot ng 39 tropeo sa pagtatapos ng Mayo…
 
Tagumpay ang ABS-CBN sa pagkuha ng tiwala at pagkilala ng mas marami pang guro at estudyante matapos maghakot ng 39 na parangal sa ika-21 Gawad PASADO Awards, ika-18 na Kabantugan Awards, at ika-pitong Kagitingan awards na ginanap lahat noong Mayo.
 
Nanguna sa mga Kapamilyang nagwagi sa PASADO ang “Kadenang Ginto” (PinakaPASADOng Teleserye) at mga bida nitong sina Beauty Gonzalez at Albert Martinez, na tinaguriang PinakaPASADOng Aktres at PinakaPASADOng Aktor sa Teleserye. Inuwi naman ni Ronaldo Valdez ng “Los Bastardos” ang PASADO Lifetime Achievement Award.
 
Ginawaran din sa PASADO, na tinatanghal ng Pampelikulang Samahan ng Dalubguro (PASADO),ang “Kasal” ng Star Cinema (PinakaPASADOng Pelikula), at ang mga kasama sa pelikula na sinaPaulo Avelino (PinakaPASADOng Aktor), Bea Alonzo (PinakaPASADOng Aktres), at Mycko David (PinakaPASADOng Sinematograpiya). Wagi rin si Marya Ignacio ng PinakaPASADOng Editing para sa “The Hows of Us” at McCoy De Leon at Maymay Entrata bilang PinakaPASADOng Dangal ng Kabataan.
 
Bukod sa Gawad PASADO, umani rin ng 22 na tropeo ang ABS-CBN sa ika-18 na Kabantugan Awards ng Mindanao State University – General Santos City, na nagbibigay ng pagkilala sa mga modelo ng kabataan sa labas ng kanilang paaralan tulad ng mga huwarang personalidad sa telebisyon. Kabilang sa mga napanalunan ay Most Favorite TV News Anchor para kay Karen Davila, Most Favorite TV News Program sa “TV Patrol,” Most Favorite Movie Actress kay Kathryn Bernardo, Most Favorite TV Actor at Most Favorite Movie Actor kanila Jericho Rosales at Most Favorite TV Actress para kay Angel Locsin, at Most Favorite Entertainment Show sa “It’s Showtime.”
 
Waging-wagi rin ang “It’s Showtime” at “Magandang Buhay” saBataan State Peninsula University 7th Kagitingan Awards for Television, na nagbibigay karangalan at pagkilala sa mga programa at personalidad na nagpapakita ng mga katangiang dapat tularan ng kabataan. Tinaguriang Pinakamagiting na Entertainment Program 2019 ang noontime show ng Kapamilya network at Pinakamagiting na Talk Show 2019 ang programa nina Karla Estrada, Jolina Magdangal-Escueta, at Melai Cantiveros-Francisco. Kinilala rinsina “It’s Showtime” hosts Anne Curtis at Vice Ganda bilang Pinakamagiting na Personalidad ng Entertainment Program, samantalang Pinakamagiting na Personalidad ng Talk Show si Boy Abunda ng “The Bottomline” at Pinakamagiting na Personalidad ng Drama Anthology si Zaijian Jaranill para sa kanyang pagganap sa “MMK.”
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Instagram, at Twitter, o pumunta sa abscbnpr.com.