News Releases

English | Tagalog

Fantasy at Sci-Fi Films, eere sa Movie Central

June 07, 2019 AT 10:40 AM

Sama-samang manuod with the barkada or family tuwing Sabado ngayong June sa Movie Central dahil tuloy-tuloy ang excitement at adventyure na dala ng sci-fi at fantasy movies!
 
Sa pelikulang, “Equals,” nakatira sina Nia (Kristen) at Silas (Nicholas) sa Collective, isang futuristic society kung saan wala nang krimen dahil wala na ring emoshon ang mga tao. Pero sa di inaasahang pangyayari, na-in lobe ang dalawa. Panoorin kung paano lalabanan ng dalawa ang mga may kapangyarihan at tatakas sa mala-presong tinitirhan. Tumutok sa June 8.
 
Samantala, base naman sa libro ni Cassandra Clare na “The Mortal Instruments” ang 2013 action film na “The Mortal Instruments: The City of Bones” na tampok ngayong Hunyo 15. Pinagbibidahan ni Lily Collins, iikot ang kwento kay Clay Fray (Lily) anak ng isang Shadowhunter—half human at half-Angel warrior—na kanyang pinagmanahan ng kapangyarihan. Sa kanyang paghahanap sa mga ninuno nito matapos mawala ang ina, makikisapi siya sa mga katulad niya  na pupunta sa kakaibang New York na tinatawag na Shadow World.
 
Isang sakit naman ang halos pumatay ng sangkatauhan sa palabas na “The Girl with all the Gifts.” Ngunit isang bata, si Melanie (Sennia Nanua), ang hindi tinamaan ng sakit. Sinimulan siyang pag-experimentuhan ng ilang espesyalista hanggang sa siya ay makatakas kasama sina Miss Justineau (Gemma Arteton_, Sergeant Parks (Paddy Considine) and Dr. Caldwell (Glenn Close) para sariling alamin ang kanyang sarili. Panoorin sa Hunyo 22.
 
Kagimbal-gimbal na virus ang umatake sa buong planeta sa 2016 movie na “Pandemic” na eere ngayong Hunyo 29.  
 
Matapos makilala bilang Theon Greyjoy sa hit TV series na ‘Game of Thrones,” makikita muli si Alfie Allen bilang si Wheeler sa naturang pelikula. Panoorin kung paano siya makikipagtulungan kasama ang doktorang si Lauren (Rachel Nichols) para hanapin ang mga nakaligtas sa sakuna. Mapapanood ito sa unang pagkakataon ngayong Hunyo 9 samantala mapapanood din siya sa Movie Blowout ng Hunyo 30.
 
Maari mapanood ang mga naturang pelikulang sa Movie Blowout ng Movie Central tuwing Sabado ng 9pm.
 
Huwag din kalimutang panoorin ang mga pelikula ni Liam Neeson na “Non Stop,” “A Team,” at “Taken 3” tuwing Biyernes, 5PM, sa Action Zone Block.
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahinangwww.abscbnpr.com.