News Releases

English | Tagalog

Lou at Andre, magdadala ng kilig bilang MYX celebrity VJs ngayong Setyembre

September 03, 2019 AT 12:29 PM

Lou and Andre are all loved up as MYX celebrity VJs this September

Catch “MYX Most Viewed” every Sunday at 1pm and 8pm and “Pinoy MYX Breakout” on Mondays, Wednesdays and Fridays at 10:30pm.

“MYX Most Viewed” at “Pinoy MYX Breakout” mapapanood na ngayong buwan!
 
Siguradong magiging masaya ang Setyembre ng mga fans ng LouDre dahil ang dating housemates ni Kuya ang magpapasiklab bilang MYX celebrity VJs ngayong buwan.
 
Kamakailan lang ay nagtapos bilang third at fourth big placers sa "PBB Otso" sina Lou at Andre, at kung noon ay pinanood ng publiko ang pagkakamabutihan nila sa telebsiyon, dapat namang abangan ngayon ang paghahatid nila ng mga pinakamaiinit na awitin sa bansa.
 
Ang singer-songwriter naman na si Moira Dela Torre ay handa na ring iparinig ang iba pa sa kanyang mga nakakaantig na kanta bilang "MYX Headliner" ngayong buwan.
 
Samantala, ang indie pop-rock band na The Vowels They Orbit ang sasalang sa "MYX Spotlight." Ang debut single nila na "Selos" na inilabas ngayong taon ay pumuwesto sa Viral 50 ng Spotify Philippines.
 
Ikatutuwa naman ng mga masugid na manonoood ng MYX ang dalawang bagong programa sa nangungunang music channel sa bansa—ang “MYX Most Viewed” at “Pinoy MYX Breakout.”
 
Si VJ Edward Barber ang host ng “MYX Most Viewed” kung saan ipapalabas ang sampung pinakapinanood na mga pagtatanghal sa All Music MYX, ang YouTube channel na nagtatampok sa mga MYXclusive performances. Ibibida naman sa “Pinoy MYX Breakout” ang mga papausbong na awitin mula sa mga Pilipinong mang-aawit.
 
Kiligin ngayong buwan kasama ang LouDre sa "Pop MYX" hanggang Setyembre 7; sa “Pinoy MYX” mula Setyembre 8 hanggang 14; sa “Mellow MYX” mula Setyembre 15 hanggang 21, at “My MYX” mula Setyembre 22 hanggang 28. Panoorin din ang "MYX Most Viewed," 1pm at 8pm tuwing Linggo at ang "Pinoy MYX Breakout," 10:30pm tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. Mapapanood ang MYX sa ABS-CBN TVplus channel 12, sa SKYcable channel 23, at SKYdirect channel 37. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE