News Releases

English | Tagalog

KHALIL AT ELISSE, MALALIM ANG HUGOT SA “AMPALAYA CHRONICLES” NG iWANT

January 24, 2020 AT 05:39 PM

Khalil and Elisse combine spoken word poetry, heartbreak in iWant's “Ampalaya Chronicles”

Stories of love and bitterness…

Mapait at mahapdi ang unang pagsasama nina Khalil Ramos at Elisse Joson sa isang kwento ng pag-ibig na hindi masusuklian sa unang episode ng digital anthology series na “Ampalaya Chronicles,” na mapapanood na sa iWant.

Ang serye ay base sa best-selling book at stage performances ng “spoken word” na “Ampalaya Monologues” ni Mark Ghosn na pumatok sa kabataan na nakaka-relate sa mga tulang dinedetalye ang sakit na dinudulot ng pagmamahal.

Iikot ang pilot episode sa titulong “ADIK,” sa mahiyaing manunula na si Carlo (Khalil) na ang tanging gusto lang ay mapalapit sa kanyang natitipuhang si Nina (Elisse). Matutupad naman ang hiling ni Carlo, dahil lalapit si Nina sa kanya upang humingi ng tulong sa pagsulat ng tula para sa talent portion ng beauty contest na sasalihan nito.

Sa paglalapit ng kanilang mga loob, hindi maiiwasan ni Carlo na umasang magustuhan na rin siya ng dalaga. Ngunit matapos ang kanyang oras na binigay, mapagtatanto ni Carlo na maaaring sa tula na lamang ang pag-iibigang kanyang inaasam.

Batay sa pyesa na may parehong titulo ang “ADIK” ng spoken word artist na si Carlo Hornilla na nakakuha ng 8.2 million views sa Facebook. Ang episode naman ay mula direksyon ni Real Florido, produksyon ng Firestarters Production, at isinulat ni Florence Henzon.

Sumabak sa hugotan at panoorin ang “Ampalaya Chronicles” sa iWant app o sa iwant.ph. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundan ang follow @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, o mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.