News Releases

English | Tagalog

Bagong kanta ni Arvey na "Umaga," ilalabas na

January 29, 2020 AT 06:02 PM

Arvey to drop sophomore single "Umaga"

Listen to Arvey’s latest track, “Umaga,” which drops this Friday (January 31) in various music streaming sites!

Nagbabalik ang Filipino rapper na nagpasikat ng viral song na "Dalaga"
 
Handog ng Filipino rapper na si Arvey ang bago niyang kanta na "Umaga," na follow-up sa viral song niyang "Dalaga" na ni-release sa ilalim ng Star Music noong 2019.
 
Ang "Umaga" ay isang hip-hop rap song kung saan ikinukumpara ng isang lalaki ang paghanga niya sa isang babae sa magandang umaga. Sinasabi rin sa kanta na ang pagiging positibo sa buhay at pagturing sa isang tao bilang inspirasyon ay magandang bagay.
 
Isinulat ito ni Rovic de Veyra, o mas kilala bilang Arvey, in-arrange ni Theo Martel, at iprinodyus ni ABS-CBN Music creative manager Jonathan Manalo.
 
Si Arvey din ang nasa likod ng 2019 hit song na "Dalaga," na sa ngayon ay meron nang 20M streams sa Spotify at 50M combined views sa YouTube.
 
Kahit na kasalukuyang nag-aaral siya bilang senior high school student, nagagawa pa rin ng 17-anyos na makapagsulat ng mga tumatatak na rap verses. Isa lang siya sa mga artist ng ABS-CBN Music, na tahanan ng ilan sa mga pinakamagagandang Original Pilipino Music mula sa nangungunang media at entertainment company ng bansa, ABS-CBN.
 
Salubungin ang umaga nang may ngiti sa pusong dala ng bagong kanta ni Arvey na "Umaga," na mapapakinggan na ngayong Biyernes (January 31) sa music streaming sites. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa facebook.com/starmusicph, at i-follow ito sa Twitter at Instagram @StarMusicPH.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE