News Releases

English | Tagalog

Jamie at Basil, handog ang "Love and Light" sa Valentine's concert

January 31, 2020 AT 11:49 AM

Magsasama ang inspirational diva na si Jamie Rivera at Filipino balladeer na si Basil Valdez ngayong February 13 (Huwebes) sa "Love and Light: A Valentine's Dinner Concert" na gaganapin sa Mayuree Grand Ballroom ng Dusit Thani Manila.
 
Siguradong mapupuno ng kasiyahan ang gabi sa inihandang pagtatanghal ng dalawang OPM icon, na nagpasikat ng ilan sa mga pinakamagagandang love song sa bansa.
  
Kilala si Jamie para sa mga makahulugang kanta na inawit niya gaya ng “Tell The World of His Love” at “We Are All God’s Children,” pati na ang ilan sa mga tumatak na OPM love song gaya ng “Hey, It’s Me,” “Awit Para Sa’Yo,” at “I’ve Fallen For You.”
 
Isa ring haligi ng music industry si Basil, na nagpasikat ng ilang classic OPM love songs gaya ng “Ngayon at Kailanman,” “Hanggang sa Dulo ng Walang Hanggan,” at “You."
 
Ang “Love and Light: A Valentine’s Dinner Concert” ay iprinodyus ng PLA Events at ni Nikki Renemer Caranguian kasama ang Star Events bilang media partner, sa ilalim ng musical direction ni Adonis Tabanada.
  
Mabibili ang tickets sa concert sa halagang P6,500 (inclusive ng dinner at unlimited drinks) sa ktx.abs-cbn.com o sa Ticketworld (8891.9999; 09668800327; and 09397739501).
 
Samahan sina Jamie at Basil sa isang gabing puno ng pag-ibig at musika ngayong February 13 (Huwebes), 7pm sa Mayuree Grand Ballroom ng Dusit Thani Manila. Para sa iba pang detalye, i-follow ang @stareventsph on Twitter at Instagram.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE