News Releases

English | Tagalog

NCAA Season 95 women's volleyball, papalo na sa iWant

January 09, 2020 AT 01:58 PM

Arellano goes for four as NCAA women's volleyball opens on iWant

Catch the opening day of the NCAA Season 95 women’s volleyball tournament this Friday (January 10) LIVE on iWant, sports.abs-cbn.com, and TFC.tv starting at 11 am.

Arellano at LPU, unang magsasalpukan

Magsisimula na ang paluan at matinding bakbakan sa NCAA Season 95 women’s volleyball sa Biyernes (Enero 10) sa Fil Oil Flying V Centre, San Juan City, at mapapanood ito ng live online sa streaming service ng ABS-CBN na iWant.
 
Unang ipapalabas ang opening ceremony ng 11 am, kasunod ang paghaharap ng kampeon ng Season 94 na Arellano University (AU) Lady Chiefs at Lyceum of the Philippines University (LPU) Lady Pirates ng 12 nn. Bandang 2 pm naman ang banggaan ng Season 94 runner-up University of Perpetual Help System DALTA (UPHSD) Lady Altas at College of Saint Benilde (CSB) Lady Blazers.
 
Mangunguna para sa AU, na tatlong taon nang nagrereyna sa torneo, ang MVP na si Necole Ebuen at Finals MVP na si Regine Anne Rocha, habang sina Monica Sevilla at Mary Joy Onofre naman ang bibida par sa LPU.
 
Ang mga aasahan naman para sa Lady Altas ay sina Jhona Rosal at Shyra Umandal, samantalang sina Jewel Lai at Dianne Ventura ang nakikitang bibida para sa Lady Blazers.
 
Ilan pa sa magpapaliyab sa volleyball court sina Marie Charlemagne Simborio ng Colegio De San Juan De Letran Lady Knights, Cathrine Almazan ng Emilio Aguinaldo College Lady Generals, Dolly Verzosa ng Jose Rizal University Lady Bombers, Lorraine Barias ng Mapua University Lady Cardinals, Nieza Viray ng San Beda University Lady Red Spikers, at Jewelle Bermillo ng San Sebastian College – Recoletos Lady Stags.
 
Mapapanood sa iWant ang buong torneo ng NCAA 95 women’s volleyball sa layunin ng ABS-CBN Sports na ma-inspire ang mga Pilipino sa galing at kwento ng mga atleta at lalo pang palakasin ang volleyball sa bansa.  Bukod sa iWant, maaari ring manood ng mga laban sa ABS-CBN Sports website (sports.abs-cbn.com) para sa mga nasa Pilipinas, at TFC.tv naman para sa mga nasa ibayong dagat.  Ipapalabas din ng ABS-CBN S+A ng live ang semifinals at finals ng of the women’s volleyball tournament.
 
Bubuksan ng NCAA ang taon para sa Philippine volleyball na lalo pang lumalaki at lumalakas. Ilan sa mga dating player ng NCAA ang lumaban na para sa bayan kabilang sina Grethcel Soltones (SSC-R) at Ces Molina (SBU), maging sina dating MVP Johnvic de Guzman (CSB) at Jack KalingKing (UPHSD), na bahagi ng koponan na nag-uwi ng tansong medalya sa Southeast Asian Games kamakailan lang.
 
Huwag palampasin ang pagbubukas ng NCAA Season 95 women’s volleyball tournament ngayong Biyernes (Enero 10) LIVE sa iWant, sports.abs-cbn.com, at TFC.tv simula 11 am. Para sa sports news,i- follow ang @ABSCBNSports sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa corporate.abs-cbn.com/newsroom.

 
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE