News Releases

English | Tagalog

Pagalingan sa pop culture sa bagong Kumu game show na "MYX Pop Quiz"

October 01, 2020 AT 11:48 AM

New game show "MYX Pop Quiz" challenges pop culture geeks on Kumu

Catch “MYX Pop Quiz” Saturdays and Sundays at 12:30pm, “MYX Fullscreen” Fridays at 8:30pm, and watch out for “Make it Mondays,” every Monday at 10am starting October 5 at MYX Philippines' (@myxph) channel on Kumu.

Upcoming show na “Make It Mondays,” bagong kagigiliwan tuwing Lunes!

May dagdag na pakulo, live performances, at nakaka-inspire na mga usapan ang MYX Philippines sa “MYX Pop Quiz,” “MYX Fullscreen,” at “Make it Mondays” na pwedeng i-stream nang live sa channel ng MYX (@myxph) sa Kumu.

Swak para sa mga competitive at mahilig sa pop culture ang "MYX Pop Quiz," isang game show kasama ang host na si MYX VJ Ai Dela Cruz tungkol sa mainstream na mga ganap at music. Pwedeng manalo ng hanggang 100,000 na coins sa app ang mga mananalo kada episode.

Ibibida rin ng nangungunang music channel sa bansa ang Filipino talents sa Kumu sa "MYX Fullscreen," kung saan kada linggo ay may featured artist na magpe-perform nang live sa digital stage ng MYX. Nauna nang nagpasikat sina Sheryn Regis, Dave Langit, TJ Monterde, at Bugoy Drilon sa programa.

Samantala, pwedeng simulan ang inyong linggo nang tama sa bagong show na “Make it Mondays,” kung saan hatid ni Dani Mortel ang isang oras na chikahan para gawing mas exciting at nakaka-motivate ang bawat Lunes. 

Ang mga online show na ito mula sa MYX ay mas nagpapalakas sa digital presence ng ABS-CBN sa Pinoy livestreaming app na Kumu gamit ang mga programa na para sa mga mahihilig sa musika, lifestyle, mga laro, live performances, at iba pa.

Panoorin ang "MYX Pop Quiz" 12:30pm tuwing Sabado at Linggo, "MYX Fullscreen" 8:30pm tuwing Biyernes, at abangan ang "Make it Mondays," 10am kada Lunes simula Oktubre 5 sa channel ng MYX Philippines (@myxph) sa Kumu.

Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (www.facebook.com/abscbnpr), Twitter at Instagram (abscbnpr) o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE