News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN News anchor Christian Esguerra, kinilala bilang 2020 Marshall McLuhan fellow

October 15, 2020 AT 02:15 PM

ABS-CBN News anchor Christian Esguerra honored with McLuhan fellowship

ABS-CBN News broadcast journalist and anchor Christian Esguerra has been given one of the highest honors for journalists and communicators as he was named the 2020 Marshall McLuhan fellow by the Canadian Embassy in the Philippines and the Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR).

Tumanggap ang batikang mamamahayag at anchor ng ABS-CBN News na si Christian Esguerra ng isa sa pinakamataas na pagkilala sa larangan ng pamamahayag matapos tanghaling 2020 Marshall McLuhan fellow ng Canadian Embassy sa Pilipinas at ng Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR).  
 
Ginawaran si Christian pagkatapos ng Jaime V. Ongpin (JVO) Seminar na ginanap online, kung saan nagsilbi siyang panelist kasama ang kapwa ABS-CBN journalists na sina Mike Navallo at Chiara Zambrano. Bilang McLuhan fellow, nakatakdang pumunta si Christian sa iba’t ibang unibersidad sa Canada at Pilipinas para magturo ng iba’t ibang paksa tungkol sa journalism. 
 
Ayon kay Peter MacArthur, ang ambassador ng Canada sa Pilipinas, pinili nila si Christian para sa McLuhan fellowship dahil sa kanyang bukod-tanging pagbabalita at kaalaman sa mga mahahalagang isyu, kahusayan sa pagsabay sa mga pagbabago sa industriya, at hangaring makatulong sa mga kabataang nais sumabak sa larangan ng media.
 
Kasalukuyang napapanood si Christian bilang anchor ng “Matters of Fact” araw-araw mula 7 am hanggang 8 am sa ANC, ang ABS-CBN News Channel. Mapakikinggan naman ang kanyang podcast na “Facts First” sa Spotify, Apple Podcasts, at YouTube, kung saan tinatalakay niya ang mga isyu sa politika kasama ang mga eksperto. Dati ring host si Christian ng “Early Edition” at “Mornings @ ANC.” Nag-ulat din siya sa mga makabuluhang pangyayari sa bansa bilang correspondent at gumawa ng mga video na nagpapaliwanag sa mga mahahalagang isyu para sa proyekting “NXT” ng ABS-CBN News.
 
Bago si Christian, nahirang ding McLuhan fellow ang iba pa niyang kasama at nakasama sa ABS-CBN News tulad nina Jeff Canoy (2018), Gigi Grande (2016), Lynda Jumilla-Abalos (2012), Gerry Lirio (2006), at Luz Rimban (2003).
 
Para sa iba pang balita, i-like at i-follow ang ABS-CBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang abs-cbn.com/newsroom. 
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE