News Releases

English | Tagalog

Hatakan ng perlas sa pagitan nina Marissa at Ellice mangyayari na

October 21, 2020 AT 05:47 PM

Hindi na mapipigilan ni Ellice (Iza Calzado) na ipadanas sa kanyang dating “best friend” na si Marissa (Jodi Sta. Maria) ang sakit ng kanyang kalooban dahil hahantong na sa makapigil-hiningang paghaharap ang dalawa ngayong Huwebes (Oktubre 22) sa “Ang Sa Iyo ay Akin.”

 

Natunghayan na ng manonood ang matapang at palabang Ellice noong Lunes (Oktubre 19) matapos siyang maliitin ni Marissa sa kakayanan nyang magpatakbo ng kumpanya. “I understand why you’re so uneasy, Ellice. Matagal kang nawala sa kumpanya, kaya pakiramdam mo this is unknown territory,” sambit ni Marissa.

 

“Maybe you’re insecure, dahil kahit nakabalik ka na, you’re finding it hard to take everything back uncder your control,” dagdag pa nito.

 

“There is nothing to take back, dahil wala ka namang nakuha. Kahit kalian, hindi magiging iyo ang akin,” madiing balik ni Ellice.

 

Wala nang urungan simula noon dahil sinundan ni Ellice ito ng pagbabasura sa proposal ni Marissa na mag-expand sa Indonesia sa harap mismo ng board members ng kumpanya.

 

Hindi ito ikinatuwa ni Gabriel at kinwestyon ang desisyon ng asawa. Sa sidhi ng kanyang galit, inamin na ni Ellice na alam niya ang sikreto ng asawa at Marrissa tungkol kay Baby Jacob. 

 

Ano kaya ang kailangang gawin ni Gabriel para patawarin siya ng kanyang asawa? Ayusin nga kaya niya ang kanilang relasyon o mas pipiliin niyang maging ama kay Jacob? Ano ang magiging mitsa sa hatakan ng perlas sa pagitan ng dalawa?  

 

Huwag kalimutang sundan ang walang tigil na madramang mga tagpo sa “Ang Sa Iyo Ay Akin” sa A2Z channel sa marathon telecast nito tuwing weekend at ang bagong episodes nito gabi-gabi.

 

Ang A2Z channel 11 ay mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga. Maaari rin itong mapanood sa iba’t ibang cable TV at satellite TV providers sa buong bansa.

 

Patuloy pa rin itong mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 8:40 PM sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). Ito rin ay nasa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iwant app o iwanttfc.com. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.