News Releases

English | Tagalog

BrightWin ng "2gether," makakasama ng mga Pinoy sa virtual fan meet sa Disyembre

October 23, 2020 AT 03:54 PM

Maagang pamasko ang handog ng ABS-CBN sa fans ng “2gether” stars na sina Bright Vachirawit at Win Metawin dahil makaka-bonding nila ang mga Pinoy sa isang virtual fan meet na pinamagatang "BrightWin Manila: The Virtual Fan Meet" ngayong Disyembre 5, 2020.

 

Malapit nang maging available ang tickets sa "BrightWin Manila: The Virtual Fan Meet," na handog sa fans ng Dreamscape Entertainment, ABS-CBN Events, KTX.ph, at Thai content company na GMMTV.

 

Noong Hunyo, nakasama na rin ng Filipino fans ang sikat na Thai actors sa unang live interview nila sa Pilipinas na pinangunahan ng ABS-CBN.

 

Sa kasalukuyan, napapanood pa rin sa iWant TFC streaming service ng ABS-CBN ang trending series nilang “2gether The Series” at ang sequel nitong “Still 2gether” sa parehong Tagalized version at orihinal na Thai version nila.

 

Para makakuha ng updates, sundan ang Dreamscape Entertainment at KTX.ph sa Facebook at @dreamscapePH sa Twitter at Instagram.