News Releases

English | Tagalog

Nina, Erik Santos, at 'Ang Huling El Bimbo: The Musical'' handog ng KTX.PH ngayong Nobyembre

October 29, 2020 AT 03:29 PM

Puno ng musika at kantahan ngayong Nobyembre ang KTX.PH, ang website na may handog na online events, dahil tampok dito ang concerts nina Nina, Erik Santos, at ang “Huling El Bimbo: The Musical.” 

 

Mapapanood nang live ang kauna-unahang birthday concert ni Soul Siren Nina ngayong Nobyembre 1 (Linggo), hindi lamang sa Pilipinas kundi sa Dubai, Australia, Japan. Korea, at Canada. 

 

Sold-out nga ang early bird tickets ng general admission at VIP, ngunit pwede pa rin bumili ang fans ng regular general admission ticket na P800 at VIP tickets sa halagang P1,000. May tsansa rin ang fans ni Nina na makasama siya sa after-party online get-together. 

 

Kiligin naman at pakinggan ang ilang kwento at awiting handog ng King of OPM Theme Songs na si Erik Santos sa "Singcerely yours, Erik" sa darating an Nobyembre 21 (Sabado). 

 

Mapapanood ang kanyang sa halagang P500 pesos pero pwedeng-pwede pa maka-tsikahan ng fans ang kanilang idolo kung bumili sila ng VVIP ticket na P3,000 para sa virtual meet and greet. 

 

Samantala, mapapanood muli ang musical na "Ang Huling El Bimbo" sa Nobyembre 28 (Sabado) at Nobyembre 29 (Linggo). 

 

Maaring pumili ang viewers sa dalawang set ng cast members. 

 

Mapapanood sa Nobyembre 28, 3 PM at Nobyembre 29, 8 PM na shows ang red Team na kinabibilangan nina Tanya Manalang bilang batang Joy, Reb Atadero bilang batang Hector, Vic Robinson bilang si batang Emman, Lance Reblando bilang si batang Anthony, David Ezra ang gaganap kay Hector, si Myke Salomon sa role ni Emman, Rafa Siguion-Reyna bilang si Anthony, Carla Guevara Laforteza bilang si Joy, Elisha Campos bilang si Ligaya, at Paolo O’Hara naman bilang si Banlao.

 

Sa Nobyembre 28, 8 PM at November 29, 3 PM na shows naman mapapanood ang Blue Team kung saan kasali sina Gab Pangilinan bilang batang Joy, Bibo Reyes bilang batang Hector, Boo Gabunada bilang batang Emman, Phi Palmos bilang batang Anthony, si Gian Magdangal ang gaganap kay Hector, OJ Mariano naman kay Emman, Jon Santos bilang si Anthony, Menchu Lauchengco-Yulo ang gaganap bilang Joy, Salcedo bilang si Ligaya, at Jamie Wilson bilang si Banlao. 

 

Abangan ang iba pang exciting experiences mula KTX.PH. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.