News Releases

English | Tagalog

Kyla at KIKX, may pa-throwback sa '90s R&B sa bagong single na "TLC"

October 06, 2020 AT 09:57 AM

Kyla and KIKX set off '90s R&B nostalgia in new single "TLC"

Watch out for the release of “TLC” on digital streaming platforms this Friday (October 9)!

Dadalhin ni Queen of R&B Kyla at ng songwriter-producer na si Kiko “KIKX” Salazar ang mga tagapakinig sa tunog ng ‘90s R&B music sa upcoming Star Music single nila na “TLC,” na mapapakinggan na sa mga music platforms simula sa Biyernes (Oktubre 9). 

Maririnig sa kanta ang swabeng pagpaparamdam ng pagmamahal at pagpapaabot ng pag-asa para sa mas malalim na relasyon. Malakas din ang R&B vibe nito kaya naman sabi ni KIKX ay dapat lang na ang Queen of R&B ng Pilipinas ang magbigay-buhay sa kanta. 

“Wala nang mas nakakapagpa-excite sa ‘kin kaysa makatrabaho ang isang tao na hinahangaan ko na simula pa lang songwriting journey ko,” paliwanag ni KIKX, na inalala kung paano siya nagkukunwaring nagsusulat ng kanta para kay Kyla noong 2008. 

“Makalipas ang ilang taon, nagulat ako kasi ni-record niya nga ‘yung ilan sa mga kantang ‘yun tapos the year after, napanalunan ko ang unang Awit Award ko kasama siya,” dagdag niya. “Kaya hindi makukumpleto ang pagce-celebrate ko ng 10 years sa music kung wala ang R&B queen at ngayon ay matalik ko nang kaibigan na si Kyla.” 

Inilarawan ni KIKX ang “TLC” bilang “ultimate tribute to the ‘90s era” dahil sa malaking impluwensiya ng American artist na si Babyface sa kanta, na malaking inspirasyon niya raw bilang musikero.  

Isa rin ang "TLC" sa mga kanta na kabilang sa “After Dark ‘The Final Hour’” EP ni KIKX para sa selebrasyon ng kanyang ika-10 taon sa industriya. Kasama rin sa proyekto ang “Hindi Na Nga” ni Sam Mangubat at ang “Sa Aking Mundo” ni Lance Busa. 

Samantala, kamakailan lang ay nakipag-collaborate si Kyla sa kapwa niya babaeng Southeast Asian artists para sa inspirational single na “HEAL,” para sa Pantawid ng Pag-ibig ng ABS-CBN. 

Abangan ang release ng “TLC” sa mga digital streaming platform ngayong Biyernes (Oktubre 9)! Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph), at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH). 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE