News Releases

English | Tagalog

MYX, naghahanap ng susunod na Kumu rising star

November 10, 2020 AT 11:14 AM

MYX opens search for the next Kumu rising star

The streamer to receive the most “MYX Mic” or “MYX Stage” virtual gifts from the viewers will be the “Kumu Rising Star of the Month on MYX” for December.

Maging host ng "MYX Moods" at special guest sa "MYX Daily Top 10"

Para sa matagal nang gustong mapanood ang sarili nila sa MYX, panahon nang ipamalas ang inyong talento sa pagho-host para sa pagkakataong mapili bilang "Kumu Rising Star of the Month on MYX” sa pagdiriwang ng music channel ng ika-20 anibersaryo.

Magbubukas ang MYX para sa mga tagasuporta nito na nagnanais bumida bilang VJ at umeksena sa iba’t ibang programa nito sa telebisyon sa pamamagitan ng online campaign sa Pinoy livestreaming app na Kumu.

Kailangan lang mag-public livestream sa Kumu anumang oras hanggang 11:59pm sa Nobyembre 19 (Huwebes) para makasali. Ang streamer na makakatanggap ng pinakaraming “MYX Mic” o “MYX Stage” virtual gifts mula sa mga manonood nila ang magiging “Kumu Rising Star of the Month on MYX” para sa buwan ng Disyembre.

Samantala, ang 2nd at 3rd placers naman ay magkasamang magiging guest sa “MYX Daily Top 10” at magho-host ng episode ng “MYX Moods.” Tulad ng 4th placer, makakatanggap din sila ng special gifts mula sa music channel.

'Wag palampasin ang pagkakataong makasama sa MYX spotlight ang mga paborito mong singers at VJs! Umpisahan nang mangolekta ng “MYX Mic” o “MYX Stage” virtual gifts para maging “Kumu Rising Star of the Month on MYX” ngayong Disyembre. Sundan ang MYX PH sa kumu (@myxph) para mapanood ang mga programa gaya ng MYX Pop Quiz, MYX Fullscreen, at MYX Pwestuhan.  

Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (www.facebook.com/abscbnpr), Twitter at Instagram (@abscbnpr) o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE