News Releases

English | Tagalog

Miss Earth 2020 prelims at coronation night palabas sa KTX.PH

November 18, 2020 AT 11:25 AM

Masungkit kaya ng 23-year-old Filipino-Belgian na si Roxanne Baeyens ang panlimang titulo ng Miss Earth para sa bansa sa Nobyembre 29 (Linggo)?

Panoorin sa KTX.PH ang pambato ng Pilipinas makipagtagisan sa 83 pang kandidata mula sa iba’t bansa. Sa halagang P99, mapapanood na ng fans ang pre-pageant na magaganap ngayong Nobyembre 24 (Martes), 9 PM at coronation night sa November 29 (Sunday), 10 AM sa halagang P199.

Magsisiblbing host nito ang kilalang online personality na si James Deakin. Bigatin naman ang line-up ng judges ng pageant, kabilang na ang Latin American singer at TV host na si Patricia Zavala, ang United Nations Industrial Development Organization Staff Council president na si Hassan Eltigani Malik, international DJ at model na si Natalia Barulich, ang world-class violinist na si Iskandar Widjaja, ang women empowerment advocate at social entrepreneur na si Jewel Colmenares Lobaton, at environmental advocate, at pilantropong si Michael Ma.

Isang linggo na lang, maisasara na rin and halos dalawang buwang puno ng online pre-pageant activities.

Bukod sa pagpromote ng environmental programs, hangad din mapakita ng Miss Earth ang sari-saring tourist destinations.

Ilan sa mga naging matagumpay na KTX.ph offerings ay ang Jed Madela's "New Normal," JaMill's "Tayo Hanggang Dulo," K Brosas' “20k20," "Hello Stranger: Finale Fancon," "Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience," "The House Arrest Of Us," "U-Turn" at iba pang special exclusive events.

Abangan ang iba pang exciting experiences mula KTX.PH.