News Releases

English | Tagalog

Erich's "La Vida Lena" enters list of most watched shows on iWantTFC

November 26, 2020 AT 03:24 PM

Singtindi ng tapang ng karakter ni Erich Gonzales sa “La Vida Lena” ang pagkapit ng viewers sa kwento kaya naman kahit dalawang episodes pa lang ang nailalabas nito, pumasok na agad ang serye sa top ten most watched shows sa iWantTFC streaming service.
 
Tuwing Sabado napapanood ang bagong episodes ng “La Vida Lena,” kung saan nasusubaybayan si Magda (Erich), isang simple at madiskarteng babaeng nagsisikap na lumago ang negosyo niyang sabon.
 
Sa latest episode, nagsimula na ang maraming pagsubok na haharapin ni Magda matapos siyang tumangging ibenta ang formula ng sabon niya sa isang malaking kumpanya. Dahil dito, unti-unti na niyang natitikman ang paghihiganti ng pamilya Narciso, na gumawa ng paraan para ipakulong ang kanyang lolo at sampahan siya ng kasong walang basehan.
 
Sa kabila ng lahat ng gulo, nakilala naman ni Magda ang mabait at gwapong si Miguel (Kit Thompson). Walang kamalay-malay ang dalaga na pamangkin ito ni Vanessa Narciso (Agot Isidro) na ang tanging gusto mula sa kanya ay ang secret recipe ng sabon niya at paibigin siya para lokohin lang sa huli.
 
Samantala, patok naman sa fans ang mala-telenovelang kwento ni Magda, ang chemistry ni Erich sa kanyang mga leading men, at ang husay ng pagganap ni Erich at ng mga kontrabidang sina Agot, Sofia Andres, at Raymond Bagatsing.
 
Saad ni @maeconguzman sa Twitter, “Nakakabitin naman ang  #LaVidaLena. Isang episode lang per week. Ganda talaga pag @DreamscapePH ang may gawa, grabe yung cinematography, galing ng mga directors lalo na ang mga cast!! Kudos to all you. More episodes please.”
 
Nagustuhan din ni @gerard_JD ang serye na sinabing, “Great story. Swak ang cast. Nakaka-GV pa ang OST, may Mexicanovela feels.”
 
“Ang husay ng pagkalatag ng story, ang ganda ng cinematography and ng mga songs na ginamit. Most of all, ang galing ng buong cast. They really delivered sa first episode pa lang. Walang tapon,” post ni @JN_Hanley08.
 
Sabi naman ni @KIKOMARTIR, “Sana eto na yung simula ng mala- international quality of TV series dito sa PH! Congrats @DreamscapePH @iwanttfc @ABSCBN! Galing!”
 
Mapapanood ng ng stardard at premium subscribers ang “La Vida Lena” tuwing Sabado, 6 PM sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC.  Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.