News Releases

English | Tagalog

"Bida Star ng Pasko," malalaman na

December 12, 2020 AT 02:42 PM

Malalaman na kung sino ang susunod na matutupad ang pangarap sa pagtatapos ng “Bida Star ng Pasko” sa Disyembre 15.

 

Sa loob ng apat na linggo, napanood sa sunod-sunod na challenges ang 17 finalists na nangagarap maging artista.

 

Tampok ang bawat isang finalist sa Christmas-themed acting challenges sa Kumu livestream. Bukod dito, nagkaroon din sila ng pagkakataong makasama ang seasoned theater actor na si Jojit Lorenzo sa tatlong acting masterclass.

 

Para manalo, kailangan ng mga finalists na makalikom ng score mula sa kanilang mentor, Kumu virtual gifts, at KTX votes.

 

Bukod sa P15,000 na salaping pa-premyo, ang tatanghaling “Bida Star ng Pasko” ay magkakaroon ng pagkakataong maging lead sa isang darating na online Christmas special.

 

Nakasama ng mga finalists sa Kumu Livestream bilang host ang Ultimate Bida Star na si Cherry Mendoza.

 

Panoorin huling yugto ng Bida Star ng Pasko sa Disyembre 15, 12 PM. Para sa updates, i-follow ang ABS-CBN PR sa Facbeook (fb.com/abscbnpr), Twitter (@abscbnpr), at Instagram (@abscbnpr).