News Releases

English | Tagalog

KathNiel, MayWard, LizQuen at iba pang Kapamilya stars, may pasabog sa fundraising pre-show ng ABS-CBN Christmas Special

December 16, 2020 AT 12:43 PM

Bigating Kapamilya love teams tulad nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Maymay Entrata at Edward Barber, at Liza Soberano at Enrique Gil ang bibida sa fund-raising pre-show ng 2020 ABS-CBN Christmas Special ng KTX.PH na “KTnX Ang Babait Ninyo,” na magsisimulang ipalabas as Disyembre 20, 12 NN. 

 

Lahat ng ticket sales sa palabas at mapupunta sa proyekto ng ABS-CBN Foundation para sa mga nabiktima ng mga dumaang bagyo sa bansa, ang "Tulong Tulong sa Pag-ahon." 

 

Bubuksan ng nagsisikatang P-Pop groups na MNL48, Baby Blue, BINI, PHP, at SHA Boys ang nasabing programa.

 

Susundan naman sila ng world-class singers ng bansa na sina KZ Tandingan, Darren Espanto, Jed Madela, at Moira dela Torre pati sina Jeremy G, Mitoy Yonting, Elha Nympha, Jason Dy, Klarisse de Guzman, Kyle Echarri, at Janine Berdin.

 

Mas sasaya pa ang countdown ng pre-show sa Christmas special pagpatak ng 6 PM sa hinandang performances nina Alexa Ilacad, Belle Mariano, Charlie Dizon, Erik Santos, Jolina Magdangal, Maris Racal, Vivoree Esclito, Vina Morales, Maymay Entrata, Edward Barber, Liza Soberano, Enrique Gil, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at marami pang iba. 

 

Maaari nang bumili ng tickets para sa "KTnX Ang Babait Ninyo" at sa The ABS-CBN Christmas Special sa halagang P199.

 

Kung pagiging virtual audience member ang hanap, P299 ang ticket. Maaari niyo na rin mapanood ang pre-show ng KTX.PH at ang Christmas Special ngayong taon. 

 

Samantala, maaaring pumili ang KTXers ng isang virtual meet-and-greet ng anumang P-Pop group—ang MNL48, BINI, SHA Boys, o PHP—sa halagang P499, bukod sa panonood ng pre-show at ABS-CBN Christmas Special. 

 

Huwag na palampasin ang pagkakataon mapanood ang inyong mga iniidolo bago matapos ang taong 2020 at pumunta na sa KTX.PH