News Releases

English | Tagalog

OPM legends Aegis at Ogie Alcasid, mapapanood sa KTX ngayong Disyembre

December 03, 2020 AT 12:26 PM

Best of the best ng OPM industry ang hatid ng KTX.PH at Resorts World Manila ngayong Disyembre dahil ipapalabas nito ang sold-out concerts na "Aegis na Aegis: Story of Us" at “Ogie and the Hurados.” 

Unang napanood noong 2017, ang "Aegis na Aegis: Story of Us" ay mula sa Full House Theater Company and Ultimate Shows, Inc. na dinirehe ni Lambert De Jesus. Dito binalikan ng grupo ang kanilang naging matagumpay na dalawang dekada sa industriya ng musika. 

Nakasama ng sikat na OPM group sa concert ang The Draybers frontman at "The Voice Philippines" season 1 winner Mitoy Yonting. 

Maaring mapanood ng fans ng Aegis ang concert sa halagang P750. 

Samantala, mapapanood din sa mga tahanan ang isa pang sold out concert series ni Ogie na “Ogie and the Hurados” na una naman natunghayan ng publiko noong 2019. 

Tampok sa nasabing concert ang hurados ng hit segment ng noontime show na 'Tawag ng Tanghalan' ng "It's Showtime" na sina Divine Diva Zsa Zsa Padilla, Randy Santiago, K Brosas, Karylle, Jed Madela, at Rey Valera.

Samahan sila muli sa isang masayang kantahan simula Disyembre 11 (Biyernes) hanggang Disyembre 13 (Linggo) sa halagang P750. 

 

Ilan sa mga naging matagumpay na KTX.PH offerings ay ang Jed Madela's "New Normal," JaMill's "Tayo Hanggang Dulo," K Brosas' “20k20," "Hello Stranger: Finale Fancon," "Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience," "The House Arrest Of Us," "U-Turn" at iba pang special exclusive events.

Abangan ang iba pang exciting experiences mula KTX.PH.