News Releases

English | Tagalog

Kapamilya artists, magniningning sa "Star Magic Shines On" event sa KTX.ph

December 03, 2020 AT 05:29 PM

KTX.ph streams "Star Magic Shines On" special event

Join our Kapamilya artists as they embark on a new chapter of their ABS-CBN journey this Friday, December 4!

Jane de Leon, Enchong Dee, at Kim Chiu kabilang sa mga dadalo

Maaaring mapalapit ang ilang fans sa kanilang mga paboritong artista sa pamamagitan ng special access ticket ng “Star Magic Shines On” event na ipalalabas sa ktx.ph bukas, Disyembre 4 ng 1 PM, kung saan pipirma ng kontrata sa ABS-CBN ang ilan sa pinakamaniningning na bituin ng industriya.

Sa pangunguna ni Gretchen Fullido, ilang fans ang magkakaroon ng tsansang makita ang ilang Star Magic artists via Zoom. Maaari ring ma-feature sa “video wall” ng event ang makakakuha ng special access ticket sa ktx.ph.

Kabilang sa mga artista na pipirma ng kontrata ay sina “Darna” actress Jane de Leon, leading men JM De Guzman, Joseph Marco, at Enchong Dee, “Pinoy Big Brother Connect” at “Game KNB?” host Robi Domingo, “The Gold Squad” teen idol Andrea Brillantes, “Ang Sa Iyo Ay Akin” star Kira Balinger, at Millennial Multimedia Idol Kim Chiu.

Sila ay sasamahan ng mga bagong Star Magic artist na pormal na iaanunsiyo sa nasabing event.

Mapapanood din via livestream ang “Star Magic Shines On” sa Facebook page at YouTube channel ng ABS-CBN at ng Star Magic, sa abs-cbn.com website, at maging sa iWant TFC.

Isang Kumu Live naman sa Star Magic Kumu channel ang hatid ni DJ Jhai Ho kung saan mapapanood din ng fans ang kanilang mga paboritong artista. Inaaanyayahan din ng abs-cbn.com ang fans na magpadala ng kanilang tanong sa mga artista via Twitter.

Bukod pa rito, isang virtual press conference rin ang magaganap na pangungunahan ni MJ Felipe. Sunod-sunod na real-time event updates din ang ibabahagi sa atin ng Star Magic Twitter account.

Mapapanood ng Kapamilya fans saan man sa mundo ang delayed screening (December 5) ng event sa TFC (US, Canada, and Latin America - 6:15 PM PST, Saudi - 9:25 PM, Rome - 7:25 PM, HK/SG - 3:15 PM, and Guam, PNG - 5:15 PM) at TFC IPTV video-on-demand simula December 5, 7:45PM Pacific Time.

I-follow ang Star Magic sa Facebook (https://www.facebook.com/starmagicphils/), Twitter, at Instagram (@starmagicphils) at gamitin ang hashtag na #StarMagicShinesOn sa inyong posts. ‘Wag ding kalimutang mag-subscribe sa Star Magic YouTube channel (https://www.youtube.com/user/StarMagicPHofficial) para lagi kang updated.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE