News Releases

English | Tagalog

“Sunday Night Fever” nina Diether at Nathalie, bagong episodes ng “Hush,” nasa iWant na

February 27, 2020 AT 12:19 PM

Diether and Nathalie's “Sunday Night Fever,” new “Hush” episodes now streaming on iWant

Albie Casino and Vance Larena star in erotic drama anthology series “Hush”

Paiinitin ng iWant ang panonood ng users nito sa kauna-unahang pagtatambal nina Diether Ocampo at Nathalie Hart sa pelikulang “Sunday Night Fever” at panibagong episodes ng “Hush,” na mapapanood na sa iWant.

Sa “Sunday Night Fever,” gaganap si Diether bilang Mikey, isang chef na mahuhumaling sa kapitbahay nitong si Nathalie. Hindi magtatagal ay mapapalapit ang dalawa at magkikita nang patago tuwing Linggo.

Sa kabila ng paglalim ng pagtitinginan, malalagay sa alanganin ang mga buhay nila nang madiskubre ng nobyo ni Kim (Ricky Davao) ang sikreto nilang ugnayan.

Samantala, mas mapangahas na mga kwento rin ang tampok sa erotic-drama anthology series na “Hush.”
Bida sina Albie Casino at “Bagman” actress na si Thamara Alexandria sa “Xcammer” episode nito, kung saan pipilitin ng isang online scammer na makawala sa isang sindikato gamit ang kanyang alindog. Ngunit mauudlot ang mga plano niya kapag nahulog na ang loob niya sa isang misteryosong maginoo.

Bibida naman sina Vance Larena at Abi Kaseem sa “Engkanto” episode ng serye, kung saan makikipagtagpo ang isang mahiyaing babae sa isang engkanto dahil sa takot nitong hindi na napapasaya ang asawa.

Panoorin ang “Hush” simula 11 ng gabi hanggang 6 ng umaga at ang “Sunday Night Fever” a iWant app (iOs at Android) o sa iwant.ph. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundan ang follow @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, o mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE