News Releases

English | Tagalog

Ronnie, Loisa, at Donny, magpapakilig sa pelikulang "James and Pat and Dave" ngayong Valentine's

February 07, 2020 AT 06:22 PM

Ronnie, Loisa, and Donny shine as leads in Valentine flick "James and Pat and Dave"

Rise up from your heartaches and get your second shot at love this Valentine’s with “James and Pat and Dave,” showing this Wednesday (February 12) in cinemas nationwide.

Bibida ang mga bagong movie star na sina Ronnie Alonte, Loisa Andalio, at Donny Pangilinan sa handog na pelikula ng Star Cinema ngayong Valentine’s na “James and Pat and Dave.”
 
Iikot ang istorya ng pelikula sa karakter ni Ronnie na si James, na matatandaang hindi pinili ni Kath sa 2016 hit film na “Vince and Kath and James.” Ngayon, mapapasama na naman siya sa isang love triangle dahil magpapanggap siyang boyfriend ni Pat (Loisa), na gustong pagselosin ang ex-boyfriend nitong si Dave (Donny).
 
Ayon kay Direk Theodore Boborol, na siya ring direktor ng “Vince and Kath and James,” gusto nilang ipakita sa pelikula kung ano ang nangyayari sa taong hindi pinili ng mahal nila.
 
“Diba usually 'pag romcom may isang taong hindi napipili, so sabi namin, napaka-relatable. Ano yung story nila, wala ba silang happily ever after? So parang sa amin, sobrang relatable niyan, kasi at one point in our lives, tayo rin hindi rin tayo napili eh,” paliwanag niya.
 
Ayon naman sa mga aktor, ‘dream come true’ ang bumida sa sarili nilang pelikula. “Siyempre ang tagal naming hinintay 'to, sobrang na-excite kami. Kumbaga 2020 panibagong pinto, panibagong buhay, so talagang nung binigay sa'min 'to hindi kami nagdalawang-isip,” sabi ni Ronnie.
 
“Ngayon, meron kaming pelikulang ipapalabas kaya sobrang sarap po sa puso napansin po kami. Pangarap ko po 'to nung bata ako, yung mapanood ko yung sarili ko sa malaking sinehan at sobrang excited po ako,” ani Loisa.
 
Dagdag naman ni Donny, “Yung environment namin sa set, so light. Ang saya lang kasi finally, we get to show this movie to you guys and I'm just very thankful and blessed.”
 
Isinulat ni Daisy Cayanan ang “James and Pat and Dave,” kung saan tampok din sina Awra Briguela at CJ Salonga.
 
Subukan uling magmahal ngayong Valentine’s kasama sina “James and Pat and Dave,” na showing na sa mga sinehan sa buong bansa ngayong Miyerkules (February 12). Para sa mga update, i-follow ang ABS-CBN PR (@abscbnpr) sa Facebook, Twitter, at Instagram, o bisitahin ang abs-cbn.com/newsroom.