News Releases

English | Tagalog

High definition viewing mas abot kaya na sa SKYdirect

March 01, 2020 AT 03:44 PM

High definition viewing experience now affordable with SKYdirect

An enhanced TV viewing experience is now available to more families as SKYdirect is now the most affordable high definition (HD) direct-to-home kit nationwide with its discounted prices.

Mas masaya na ang panonood ng TV ngayon kasama ang SKYdirect sa HD TV channels na mas pinakabot-kayang HD direct-to-home kit sa buong bansa.

Ang dating one-time charge nitong P2,599 ay P,2399 na lamang, habang hanggang P1,699 naman ang pinakababang postpaid plan.

Makakapanood na rin ng top-rating, exclusive at high definition channels tulad ng Cinema One Original na “Hospicio” sa Cinema One, ang action drama na “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN HD, ang pinakamaiinit na balitang sports sa “The Score” sa ABS-CBN Sports + Action HD, at “Markang Daboy” tampok ang mga nagbabagang action movies ni Rudy Fernandez sa Cinemo, o makisaya sa mga adventures ni Pikachu sa “Detective Pikachu” sa HBO HD at marami pa.

May handog naman na Free View promo ang SKYdirect sa mga bagong subcribers para maging tuloy-tuloy ang saya sa panonood ng mga bagong subscriber at makapanood ng mga paboritong Pinoy movies ng libre kapag bumili at mag-subscribe sa SKYdirect hanggang Marso 31, 2020.  Ang libreng access sa Free View channel 48 ay magsisimula sa unang araw ng subscription hanggang Disyembre 31, 2020. Ang Free View channel ay open rin sa mga bagong prepaid at postpaid subscribers.

Para mag-subscribe, mag-text lamang sa 23668 ng SKY. Maaari ring magtungo sa mysky.com.ph/freemovies o pumunta sa mga SKYdirect dealers sa inyong lugar para sa iba pang detalye.

Available ang mga offer na ito sa lahat ng prepaid and postpaid (walang lock-in) subscribers nationwide.  

Ang SKYdirect ay ang direct-to-home (DTH) service ng SKY na gumagamit ng satellite technology para mas maabot ang maraming pamilyang Pilipino saan mang sulok ng bansa. Sa SKYdirect, tiyak mabubusog ang bawa’t miyembro ng pamilya sa saya dahil sa iba’t-ibang channels nito tulad ng ABS-CBN HD, sports channels na ABS-CBN Sports and Action at Liga, ANC, Cinema One, MYX, Metro, Jeepney TV, DZMM TeleRadyo, Yey, at Cinemo. Mapapanood rin dito ang top-rating cable channels na Cartoon Network HD, HBO HD, Disney, Nickelodeon, Warner TV HD, Blue Ant Entertainment, TLC, AXN HD, at History HD.

Available ang SKYdirect kahit saan sa Pilipinas at maaaring pumili sa Prepaid Plans 50, 99, 150, 250 o 450. Meron ding Postpaid Plans 250 at 450. Pwede ring mamili at magdagdag ng channels ang mga subscriber bukod pa sa kanilang basic plan via SKYdirect Select, sa halagang P20/month.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE