News Releases

English | Tagalog

Pahayag sa ABS-CBN Studio Audience

March 10, 2020 AT 09:00 AM

Nagdesisyon ang ABS-CBN na pansamantalang ihinto ang pagpapapasok ng studio audience sa mga palabas nito simula ngayong araw (10 March 2020) matapos magdeklara ang gobyerno ng state of public health emergency. Kabilang sa mga apektadong programa ang “It’s Showtime,” “Magandang Buhay,” “Banana Sundae,” “I Can See Your Voice,” “ASAP Natin ‘To,” at "iWant ASAP."

Ang kaligtasan at kapakanan ng aming mga manonood, artists, crew at production team ang pinakamahalaga para sa amin. Responsibilidad nating lahat na tumulong sa pag-iwas ng pagkalat ng COVID-19.

Maraming salamat mga Kapamilya para sa patuloy na pagsuporta, pag-unawa, at pagtangkilik sa aming mga programa.