News Releases

English | Tagalog

Pahayag sa mga programa ng ABS-CBN

March 13, 2020 AT 10:30 PM

Statement on ABS-CBN programming

ABS-CBN is temporarily suspending the staging of its live entertainment shows and production of its teleseryes and will bring back well-loved shows.

Pansamantalang ititigil ng ABS-CBN ang pagtatanghal ng mga live entertainment show at taping ng mga teleserye nito simula Linggo (Marso 15) bilang pagsunod sa deklarasyon ng pamahalaan ng community quarantine at pagbabawal ng pagtitipon nang maramihan upang pigilan ang pagkalat ng COVID-19.
 
Ginagawa ito ng kumpanya para sa kaligtasan at kalusugan ng aming mga artista, crew, production teams, ang kanilang mga pamilya, at ang publiko.
 
Habang ito ay ipinapatupad, patuloy ang ABS-CBN na maglilingkod sa mga manonoood sa paghahatid ng mga kinagiliwang palabas na magbibigay ng inspirasyon, pag-asa, at sigla.
 
Makakaasa ang publiko na patuloy na ihahatid ng ABS-CBN ang pinakahuling balita at impormasyon sa aming newscasts sa TV at radyo, pati sa digital, lalo na sa panahon ngayong may public health crisis ang bansa.
 
Nagpapasalamat kami sa aming mga Kapamilya para sa kanilang pag-unawa at patuloy na suporta.