News Releases

English | Tagalog

Vice Ganda, idolo ng volleyball player na si Cherry Nunag

March 27, 2020 AT 03:28 PM

Cherry Nunag talks about her journey from volleyball player to host

Volleyball has taught Cherry Nunag a lot of lessons that she now applies in her new role as host of “Kalye Confessions,” the newest segment of ABS-CBN S+A’s “The Score”.

Ang ‘Unkabogable Star’ na si Vice Ganda ang tinitingala ng bagong host sa ABS-CBN S+A na si Cherry Nunag, isang volleyball player.

Nilunsad kamakailan ang kanyang segment na “Kalye Confessions” sa “The Score” kung saan nakakakuwentuhan sa daan ni Cherry ang sikat na mga atleta tulad nina Alyssa Valdez at Risa Sato. 

Sabi ng middle hitter ng Petro Gazz Angels, nais niyang tularan si Vice dahil ayon sa kanya, “sobrang funny niya kasi then ang bilis niya din mag-isip ng ijo-joke niya.”

Tulad ng idolo, kinakitaan na sa galing magpatawa si Cherry ng mga kaibigan niya.

“Maraming nagsasabi sa akin before na bakit ‘di daw ako gumawa ng vlog kasi for sure papatok ‘yun kasi nakakatawa daw ako.”

Gayunpaman, kinabahan pa rin siya sa kanyang unang salang bilang host. Ngunit, dahil sa kanyang mga natutunan bilang volleyball player, alam niyang makakaya niya ito. 

“Iba ‘yung turo sa akin ng volleyball. Makipagkapwa-tao, kung paano mo pagkakasiyahin ‘yung oras mo, ‘yung tiwala sa mga taong nakapaligid sa ‘yo.”

At ito ang ginagamit niya sa kanyang pakikipanayam sa mga kapwa-atleta sa “Kalye Confessions.”

“Iba kasi makipag-usap kapag player to player. Iba kapag komportable ka sa kausap mo and naiintindihan ka nung kausap mo.”

Habang nagte-training pa lang noon ang team ni Cherry para sa bagong conference ng Premier Volleyball League (PVL), minabuti niyang gamitin ang oras para subukan ang ibang larangan gaya ng ginawa nina Michele Gumabao, Gretchen Ho, at Beau Belga. Sa tulong ng ABS-CBN Sports, nagkaroon sila ng karir sa labas ng court bilang host o analyst.

Samantala, habang nasa ilalim pa ang Luzon sa enhanced community quarantine, hindi muna ba-byahe si Cherry kasama ang iba pang celebrity athlete. Pero may aasahan ang fans ng segment ng “The Score,” dahil magkakaroon ng “Kalye Confessions as Stay-at-Home” edition kung saan tuloy ang chickahan at kulitan kasama si Cherry sa pamamagitan ng video chat.

Para sa sports news, i-follow ang @ABSCBNSports sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.