News Releases

English | Tagalog

JM, nagmamahal sa malayo sa bagong kanta na "Asa"

March 27, 2020 AT 10:55 AM

Damhin ang sakit ng hindi sinusukliang pag-ibig sa bagong single ni JM De Guzman na “Asa” at sa music video nito mula sa Star Music.

Isinulat ni JM ang “Asa” mula sa sariling niyang karanasan katulong si ABS-CBN Music creative manager Jonathan Manalo, na tungkol sa pagkakagusto niya sa isang tao na tingin niya ay malayo sa liga niya.

Makakasama ang kanta sa bagong EP na ilalabas ni JM sa ilalim ng Star Music.

Sa music video naman ng “Asa” na idinirek ni Cris Escolano, makikita si JM sa isang emosyonal na roadtrip palayo sa maingay at magulong buhay sa siyudad.

Pinuri agad ng mga tao ang bagong kanta at music video ng singer-actor. “Bakit nangwawasak 'to? Grabe naman this mag-trigger ng pain,” komento ni Adys Bautista sa YouTube.

“Congrats idol JM, ang ganda ng boses mo, lalo kang nakaka-in love,” sabi naman ni Beauty D.

Matutuwa naman ang mga fans ng “Pamilya Ko” dahil makakasama ni JM ang kapareha niya sa programa na si Alyssa Muhlach sa music video ng single na ni-release niya noong isang taon na “Huling Liham,” na magsisilbing karugtong ng “Asa” MV.

Isa lang si JM sa mga versatile artists ng ABS-CBN Music—na tahanan ng marami sa mga pinakamagagandang OPM music mula sa nangungunang media and entertainment company na ABS-CBN.

Panoorin ang music video ng “Asa” sa ABS-CBN Star Music’s YouTube channel, at pakinggan ang kanta sa Spotify, Apple Music, iTunes, at YouTube. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa www.facebook.com/starmusicph, at i-follow ito sa Twitter at Instagram @StarMusicPH.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE