News Releases

English | Tagalog

“Uncoupling” nina Yam and Joseph, mapapanood sa ABS-CBN simula Lunes

March 27, 2020 AT 10:56 AM

Yam and Joseph's “Uncoupling” airs on ABS-CBN primetime starting starting Monday

Can a married couple who are separated live under one roof?

Posible bang makapag-move on ang magkahiwalay na mag-asawa habang magkasamang nakatira sa iisang bubong?

Ito ang kakaibang kwento ng seryeng “Uncoupling,” tungkol sa isang mag-asawang naghiwalay at susubukang maging magkaibigan at tumira sa iisang bahay na mapapanood sa ABS-CBN simula Lunes (Marso 30), 9:45 PM.

 

Sa “Uncoupling,” isang iWant original series, high school sweethearts sina Alex (Yam) at Carlo (Joseph) na mauuwi sa hiwalayan ang kasa. Magdedesisyon ang dalawang buwagin ang pagsasama ngunit magkasama pa ring nakatira, alang-alang sa nag-iisang anak nila.

 

Magsisimulang gumulo ang lahat dahil habang nakahanap na ng masasandalan si Carlo sa bago niyang girlfriend, patuloy namang makikipag-date si Alex habang dala-dala ang sakit na idinulot ng pagkalusaw ng kanilang relasyon.

 

Lalong magiging kumplikado ang sitwasyon dahil kalauna’y makikialam na ang kanilang mga biyenan para masigurong magkabalikan ang dalawa.

 

Paano poprotektahan nina Alex at Carlo ang anak nila mula sa gusot ng kanilang samahan? Posible pa bang magkasundo ang mag-asawang nagdesisyong wala nang forever para sa kanila?

 

Siguradong patatawanin at paiiyakin ng serye ang mga manonood sa pagtatalakay nito ng mga problema ng mga mag-asawa ngayon.

 

Panoorin ang “Uncoupling” simula Lunes hanggang Biyernes (Marso 30-Abril 3) sa ABS-CBN. Maaari rin itong mapanood nang libre sa iWant app (iOs at Android) o iwant.ph.

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE