News Releases

English | Tagalog

Debut album ni Ianna Dela Torre, inilabas na

March 04, 2020 AT 11:05 AM

Ianna Dela Torre rolls out debut album

Listen to Ianna’s eponymous debut album, available now on various digital streaming platforms!

Tampok ang “Wala Kang Kapalit” at pito pang original songs
 
Inilabas na ng world champ na si Ianna Dela Torre ang debut album niya sa ilalim ng Star Music, matapos siyang pumirma ng kontrata sa music label noong isang taon.
 
Nakilala si Ianna nang sumali siya sa World Championship of Performing Arts (WCOPA) noong 2013, kung saan nanalo siya bilang Junior Grand Champion performer at Champion Vocalist of the World.
 
Ang debut album niyang “IANNA” ay iprinodyus ni Joel Mendoza sa pakikipagtulungan sa ilan sa mga pinakamahuhusay na composer at producer sa industriya. Masusi ring pinili ang mga kantang napabilang sa album para maikwento ang istorya ng isang dalaga na naging isa nang ganap na babae.
 
Bida sa album ang pinakabagong single niya na “Wala Kang Kapalit,” isang modern classic ballad tungkol sa walang hanggang pag-ibig at ang pagsisisi dahil sa pagtatapos nito.
 
Tampok din sa album ang carrier single na “Pinapa,” pati na ang iba pang mga orihinal na kanta gaya ng “Always You,” “Love is Spelled Y-O-U,” “Kahit sa Panaginip Lang,” “Alam Kong Nandyan Ka,” at “Ang Sabi Mo.” Mapapakinggan din ang revival ni Ianna ng komposisyon ni Maestro Ryan Cayabyab na “Kailan,” “Together Forever” ni Rico J. Puno, at cover ng “Through The Fire” ni David Foster.
 
Isa lang si Ianna sa mga mang-aawit ng ABS-CBN Music, na tahanan ng ilan sa mga pinakamagagandang OPM music mula sa nangungunang media at entertainment company na ABS-CBN.
 
Pakinggan ang debut album ni Ianna sa iba’t ibang digital streaming platforms, at panoorin ang music video ng “Wala Kang Kapalit” tampok sina Karina Bautista at Aljon Mendoza sa YouTube channel ng Star Music. Para sa mga update, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph), at i-follow ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).