News Releases

English | Tagalog

Bagong online show ng ABS-CBN na "Star Hunt Avenue," ibinibida ang husay ng rising stars

March 06, 2020 AT 05:32 PM

Mga bagong talento at nakakaantig na kwento ang hahangaan sa “Star Hunt Avenue,” ang pinakabagong digital musical variety show kung saan bida ang husay ng mga taong nangangarap abutin ang kanilang bituin.

Mapapanood sa Facebook, YouTube, at KUMU account ng Star Hunt, buwan-buwang matutunghayan sa “Star Hunt Avenue” ang iba’t-ibang rising stars mula sa sari-saring larangan. Pinangungunahan ito ng “Star-kada” ⁠— ang Star Hunt artists na magsisilbing hosts at magdadala ng saya kada episode.

Parte rin ng programa ang fans dahil mayroon silang kapangyarihang piliin ang magiging hosts ng show sa pagtutok nila sa “KUMU Korner” sa KUMU app: ang bisitang Star Hunt artists ng “KUMU Korner” na makakakuha ng pinakamaraming diamonds ang itatalagang “Star-kada” of the month.

Para naman sa mga taong nais na ipamalas ang kanilang talento, siguraduhin lamang na gamitin ang hashtag na #BagaySaStarHunt sa videos na kanilang ia-upload para sa pagkakataong mapiling magpakitang gilas sa “Star Hunt Avenue.”

Naganap na nga ang pinakaunang episode ng digital musical variety show kamakailan kung saan ipinakilala ang unang batch ng “Star-kada” na sina Aljon Mendoza, Karina Bautista, Denize Castillo, Jem Macatuno, Argel Saycon, at Kiara Takahashi. 

Bumida din ang rap group na Soulstice na kinanta ang hit song nila na “Ivana” na sinundan ng dance performance nina  Rosa Leonero, Geraldine Manalo, at Alcy Hikban  na sumikat sa kanilang Tiktok dance challenge. Nagbigay naman ng patikim ang cast ng “Tabing Ilog The Musical” habang hinarana ng singer na si Bryant ang mga manonood sa pagkanta niya ng kanyang awiting “Malaya Ako,” na theme song ng iWant original series “Hush.” Bumisita rin ang MNL48 at kinanta ang kanilang single na “High Tension.”

Bukod sa performances, sumabak din ang “Star-kada” sa “Lights Camera Emoji” challenge kung saan umarte sila base sa emosyon na lumalabas sa screen.

Gaganapin ang susunod na episode ng “Star Hunt Avenue” ngayong March 26.

Para sa updates at eksklusibong content, i-follow lang ang Star Hunt sa Facebook (@starhuntabscbn), Twitter (@starhuntabscbn), Instagram (@starhuntabscbn), at Tiktok (@starhuntabscbn).