News Releases

English | Tagalog

KBO sa TVplus hatid ang 2019 MMFF movies nina Vice, Anne, Vic, at Coco ngayong Mayo

April 24, 2020 AT 11:03 AM

Mapapanood na sa TVplus ang mga pinilahan at patok na mga Metro Manila Film Festival pelikula nina Vice Ganda at Anne, Vic Sotto, at Coco Martin ngayong Mayo. 

 

Hitik sa katawawanan ang tambalang Anne Curtis at Vice Ganda sa "The Mall, The Merrier" na mapapanood ngayong Mayo 1. Iikot ang kwento nito sa magkapatid na sina Moira (Vice) at Morissette na mag-aagawan sa mall na iniwan ng kanilang magulang matapos mamatay sa pagsabog ng eroplano. 

 

Ibang Vic naman ang mapapanood ng mga Kapamilya sa  "Mission Unstapabol: The Don Identity." Kilalanin siya bilang si Don Roberto, isang lalaking naframe-up ng kanyang kapatid na nagnakaw ng isang perlas sa isang museum. Sa kanyang paglaya, itutuloy niya ang paghahanap sa kapatid at sa perlas sa tulong ng binuo niyang grupo kasama ang driver niyang si Kikong (Jelson Bay), bigong boksingero na si Johnson (Jake Cuenca), palpak na  majikero na si Zulueta, (Pokwang), stunt double na si Bruno (Wally Bayola), at ang misteryosong hacker na si Donna (Maine Mendoza). Samahan ang kanilang grupo ngayong Mayo 8. 

 

Kabilang din sa line-up ang movie ni Coco na "3pol Trobol: Huli Ka Balbon"  na mapapanood ngayong Mayo 15. Gumanap bilang bodyguard na si Pol na naging main suspect sa pagkamatay ng kanyang amo. Susubukan niyang linisin ang kanyang pangalan at mahanap ang totoong pumatay sa kanyang boss habang binabantayan ang anak nito na si Trina (Jennylyn Mercado). 

 

Bukod sa MMFF films, mapapanood din ang ng KBO viewers ang horror film na "The Heiress" ngayong Mayo 22. Bida sa pelikula ang nagbabalik na si Maricel Soriano bilang ang mambabarang na si Luna. Gagawin niya ang lahat para lang maprotektahan ang pamangkin niyang si Guia (Janella Salvador). Ngunit unti-unting magbabago ang kanilang mundo nang makilala ng dalaga ang kaibigan na si Renz (Mccoy de Leon) at nanay niyang gagampanan naman ni Sunshine Cruz. 

 

Tampok naman ngayong Mayo 29 ang romantic movie nina RK Bagatsing at Jane Oineza na "Us Again." Sesentro ang pelikula sa magulong love story Margie (Jane) at Mike (RK). Magsasalubong ang kanilang buhay nang maging roommate ni Margie ang kasintahan ni Mike na si Anne. Panoorin kung paano mabubuo ang isang bawal na pag-iibigan sa kanilang dalawa at kung ano ang kahahatungan ng kanilang magulong pagsasama. 

 

Maaring manood at magregister ang ABS-CBN TVplus subscribers gamit ang kahit anong prepaid o postpaid SIM. Para sa prepaid, magload  (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green/INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang box ID; at i-text ang KBO30 (date) <TVplus box ID> sa 2366. Maaari mo rin ma-enjoy ang 4-weeks KBO for Php 99 pesos, tipid ka ng Php 21! I-text lang ang KBO99 <TVplus box ID> at i-send sa 2366.