News Releases

English | Tagalog

"Meteor Garden" magbabalik telebisyon

April 30, 2020 AT 05:06 PM

Dobleng sorpresa ang handog ng ABS-CBN sa Asianovela fans sa pagbubukas ng buwan ng Mayo sa nakatakdang pagbabalik telebisyon ng bagong “Meteor Garden” ngayong Lunes (Mayo 4) at dalang askyon naman ng pagtatapos ng “Tale of Nokdu” sa Biyernes (Mayo 1).

Sundan muli ang kwento nina Shancai at Daoming Si at kung paano nila ipinaglaban ang kanilang pagmamahalan, kasama ang mga miyembro ng F4 na sina Huaze Lei, Fang Meizuo, at Ximen Yan, sa pagbabalik ng “Meteor Garden” tuwing hapon.

Una nang umere ang 2018 remake ng sikat na Asianovela sa ABS-CBN noong Agosto 2018, at mainit itong tinanggap ng mga manonood matapos itong magkamit ng 21.4% national TV ratings para sa pilot episode nito.
 
Samantala, sunod-sunod na rebelasyon nga ang magpapakapit sa mga manonood sa huling araw ng “Tale of Nokdu” ngayong alam na ng hari na si Nokdu ang anak na kanyang itinakwil. Sa kabila naman ng panganib, mananatili si Dong-Ju sa tabi ng binata at sisiguraduhing mapapanatiling ligtas ang kanyang minamahal.
 
Maipaglaban kaya nina Nokdu at Dong-Ju at kanilang pagmamahalan hanggang sa dulo?
 
Napapanood ang “Tale of Nokdu” bago mag-“100 Days To Heaven” samantalang matutunghayan naman ang “Meteor Garden” bago mag-“TV Patrol”.
 
Para sa updates, sundan lamang ang ABS-CBN PR sa Facebook (fb.com/abscbnpr), Twitter (@absbncpr), at Instagram (@abscbnpr).