News Releases

English | Tagalog

Sharon handog ang fundraising concert ngayong Mother's Day

April 30, 2020 AT 02:51 PM

Sharon headlines fundraising concert this Mother's Day

Sharon brings an intimate concert experience as she sings some of the most popular and well-loved tunes that will bring joy, love, and inspiration to every home.

Handog ni megastar Sharon Cuneta ang isang espesyal na pagpupugay at selebrasyon para sa lahat ng ina sa kanyang fundraising concert na pinamagatang “Sharon: Love and Music, A Mother’s Day Special,” na mapapanood sa ABS-CBN Facebook, YouTube, at website (ent.abs-cbn.com) ngayong Mayo 10, 8pm.
 
Kasama si maestro Louie Ocampo, maghahatid si Sharon ng gabing puno ng musika sa pag-awit niya ng ilan sa mga pinakasikat na awiting siguradong magdadala ng saya, pag-ibig, at inspirasyon sa bawat tahanan.
 
Bukod naman sa selebrasyon ng Mother’s day, ang concert ay naglalayon ding makalikom ng donasyon para sa “Pantawig ng Pag-ibig” campaign ng ABS-CBN, na gagamitin bilang pambili ng pangunahing pangangailangan ng mga mamamayang lubos na apektado ng enhanced community quarantine.
 
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagbigay ng tulong ang megastar ngayong panahon ng krisis. Kamakailan lang ay naghandog siya ng P1 milyong donasyon para sa Bantay Bata 163 sa katatapos lamang na fundraising concert ni Regine Velasquez, at nag-abot din ng P3 milyon para naman sa kampanya ng aktres na si Angel Locsin para sa mga pangangailangan ng frontliners.
 
Binuksan ni Sharon ang taon at nagdiwang ng kanyang kaarawan bilang isang Kapamilya matapos niyang mag-renew ng kontrata sa ABS-CBN noong Enero. Ibinahagi niya rin ang kanyang nakatakdang pagbabalik telebisyon sa bagong season ng “Your Face Sounds Familiar Kids.”
 
Para sa updates, sundan lamang ang ABS-CBN PR sa Facebook (fb.com/abscbnpr), Twitter (@absbncpr), at Instagram (@abscbnpr).