News Releases

English | Tagalog

"The Mall, The Merrier," "Never Not Love You," "One Great Love," at "Open" tampok sa KBO ngayong May 1

April 30, 2020 AT 01:59 PM

Isang long weekend puno ng tawanan at drama dahil palabas ang hit movies  nina Vice Ganda, Anne Curtis, James Reid, Nadine Lustre, Kim Chiu at iba pang artistang inyong kinasabikan sa KBO simula Mayo 1. 

 

Hindi man makalabas ng bahay, paniguradong masisiyahan ang viewers sa TV premiere ng pelikula nina Vice at Anne na "The Mall, The Merrier." Bibida ang phenomenal box office star at national sweetheart bilang ang magkapatid na sina Moira at Morrissette. Matapos mamatay ang kanilang magulang sa pagsabog ng eroplano, isang hidwaan ang magsisimula sa pagitan ng dalawa para alamin kung sino ang magmamay-ari ng naipamana sa kanila.

 

Mapapanood muli ng KBO viewers ang 2018 MMFF Third Best Picture na "One Great Love" kung saan nakuha ni Dennis ang kanyang pangalawang Best Actor Award. Kilalanin siya bilang si Ian, ang lalaking umiibig sa kanyang matalik na kaibigan na si Zyra. Panoorin kung saan hahantong ang kanyang pagkagusto sa kaibigan lalo pa at pilit pang inaayos ni Zyra ang komplikadong relasyon niya ng kanyang karelasyon na si Carl (JC de Vera). 

 

Kasama rin sa line-up ang "Never Not Love You," kung saan nakuha ni Nadine ilang Best Actress awards. Iikot ang kwento sa pag-iibigan ni Joanne, isang trainee na nagpapakahirap para sa kanyang pamilya sa probinsya at si Gio (James), isang graphic designer at tattoo artist na nakasandal pa rin sa suporta ng ama. Ngunit susubukin ang kanilang pagsasama nang tanggapin ni Gio ang isang offer sa ibang bansa. Sundan ang kanilang kwento at alamin kung malalagpasan nila ang iba pang pagsubok na darating.

 

Ibang kwento ng pag-iibigan ang tampok sa 2019 movie ni Andoy Rana na "Open," kung saan tatalakayin ang pagpasok ng isang magkasintahan sa isang open relationship. Labing-apat na taon nang magkasama sina Rome (Arci) at Ethan (JC). Subalit sa pagdaan ng panahon, mararammdaman ni Ethan na may kulang na at gustong subukan ang ideyang open relationship. Papayag naman si Rome sa kagustuhang hindi makipaghiwalay ang nobyo sa kanya. Tignan kung ito na kaya ang maging solusyon sa kanilang pagsasama. 

 

Bukod sa mga nasabing pelikula, mapapanood din ng KBO viewers ang "Babe I Love You," "Sanggano, Sanggagao't Sanggwapo, "Wander Bra," at "Buy Now, Die Later." 

 

Maaring manood at magregister ang ABS-CBN TVplus subscribers gamit ang kahit anong prepaid o postpaid SIM. Para sa prepaid, magload  (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green/INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang box ID; at i-text ang KBO30 (date) <TVplus box ID> sa 2366. Maaari mo rin ma-enjoy ang 4-weeks KBO for Php 99 pesos, tipid ka ng Php 21! I-text lang ang KBO99 <TVplus box ID> at i-send sa 2366.