News Releases

English | Tagalog

Team Lakay, hahataw at sisipa sa S+A ngayong Abril

April 04, 2020 AT 07:48 AM

Team Lakay stars shine as S+A brings back ONE Championship fights

Filipino warriors from Team Lakay will show us how to fight with all heart and might this April as ABS-CBN S+A gives us world-class mixed martial arts (MMA) action from ONE Championship all month.

Mga laban ng ONE Championship, magbabalik sa TV

Ipapakita ng mga mandirigma sa mixed martial arts (MMA) ng Team Lakay kung paano lumaban ng buong puso at lakas ngayong Abril sa pagbabalik ng mga matinding laban ng ONE Championship sa ABS-CBN S+A.

Abangan ang dumadagundong na tagumpay ni Lito “Thunder Kid” Adiwang sa “ONE Warrior Season 4,” kung saan tampok ang mga nais makilala sa larangan ng MMA. Sisipa na ang palabas sa Linggo (Abril 5) mula 6 pm hanggang 12 mn, at mapapanood din tuwing Lunes, Martes, Miyerkules, Sabado, at Linggo ng 9 pm.

Hindi naman papahuli ang kasama ni Adiwang sa Team Lakay na si Joshua “The Passion” Pacio, na mapapanood sa “ONE: Roots of Honor” sa Abril 16 ng 9 pm.  Dito binawi ni Pacio ang korona sa ONE Strawweight division laban sa Hapon na si Yosuke Saruta. Sa Abril 17 naman, ang dating kampeon na si Geje “Gravity” Eustaquio ang magpapakitang-gilas laban kay Kim Kyu Sung ng Korea sa Flyweight World Grand Prix sa “ONE: Enter the Dragon.”

Sa Abril 23, si Danny “The King” Kingad naman ang magpapakita ng bangis ng Pinoy sa kanyang pagharap kay Reece McLaren ng Australia sa “ONE: Dawn of Heroes.” Muling mapapanood si The King kasama nina Brandon Vera at Kevin Belingon sa pagpapalabas ng “ONE: Century” event sa Japan sa Abril 24.

Para isara ang buwan, ipapakita naman ang bakbakan sa pagitan ng kapwa Pinoy na sina Pacio at Rene Catalan sa “ONE: Masters of Fate” sa Abril 30,  kung saan nanalo rin ang iba pang Pinoy fighter tulad nina Eduard Folayang, Robin Catalan, at Eustaquio.

Bulod sa mga laban, marami pang ibang palabas mula sa ONE Championship ang eere sa S+A ngayong Abril na magbibigay aliw at inspirasyon na lumaban at harapin ang bawat hamon sa mga manonood.

Para sa mga balita sa sports, i-follow ang @ABSCBNSports sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.