News Releases

English | Tagalog

"James and Pat and Dave," nasa KBO na ngayong Holy Week

April 06, 2020 AT 10:30 AM

Aapaw sa pag-ibig ngayong Holy Week sa TV premiere ng pelikula nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio na "James and Pat and Dave" ngayong Huwebes (Abril 9).

 

Sa unang team-up ng LoiNie, mapapanood ang naging buhay ni James (Ronnie) kung saan naging pariwara ito matapos ma-heartbroken sa "Vince, Kath and James."

 

Dahil sa kanyang mga nagawa, ipapatapon siya ng kanyang ina sa kanilang probinsya kung saan makikilala niya si Pat (Loisa), ang assistant manager sa resort ng kanyang lola.

 

Sa utos ng kanyang lola, susubukan ni Pat na i-train si James para matuto ng mga gawain sa resort at para na rin tumino. Alamin kung mapapatino ba talaga ni Pat si James at kung anong pagbabago ang mangyayari sa pagdating ng ex-boyfriend ng dalaga na si Dave (Donny). 

 

Huwag palampasin ang "James and Pat and Dave" ngayong April 9 hanggang 14 at panoorin ito kasama ang buong pamilya. Bukod sa pelikulang idinerehe ni Theodore Boborol, mapapanood din ng KBO viewers ang "The Hows of Us," "Seven Sundays," "Four Sisters and a Wedding," "Ang Dalawang Mrs. Reyes," "Finally Found Someone," "Loving in Tandem," at "Beauty and the Bestie." 

 

Maglagay na ng reminder sa mga cellphone at magregister gamit ang kahit anong prepaid o postpaid SIM ngayong darating na Huwebes. Para sa prepaid, magload  (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green/INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang box ID; at i-text ang KBO30 (date) <TVplus box ID> sa 2366.