News Releases

English | Tagalog

"Block Z" patok sa iWant, "James and Pat and Dave" mapapanood na sa Abril 9

April 07, 2020 AT 02:14 PM

“Block Z" sets -pay-per-view record for iWant, "James and Pat and Dave" available on April 9

“Block Z” recorded the highest number of pay-per-view (PPV) subscriptions in its first two days on iWant.

Certified hit ang pelikulang “Block Z” nina Julia Barretto at Joshua Garcia sa iWant matapos itong magtala ng pinakamaraming manonood sa unang dalawang araw ng pagpapalabas nito sa platform.
 
Sa halagang P30, makakapanood na ng “Block Z” sa iWant at maaari na rin itong ulit-ulitin sa loob ng pitong araw. Ang pelikula ay idinirek ni Mikhail Red at sinusundan ang pakikipagsapalaran ng isang grupo ng mga estudyante na matakasan ang mga zombie sa kanilang paaralan.
 
Sa Huwebes (Abril 9,) mapapanood na rin ng iWant users ang “James and Pat and Dave,” ang Star Cinema movie nina Ronnie Alonte, Donny Pangilinan, at Loisa Andalio.
 
Samantala, pinag-usapan naman sa social media ang pagdating ng “Block Z” sa iWant pati na sa KBO ng ABS-CBN TVPlus, kung saan nagtala rin ang pelikula ng pinakamaraming nanood sa unang araw nito. Nasa iWant at KBO na ang pelikula tatlong buwan matapos itong ipalabas sa mga sinehan.
 
Ayon sa Twitter user na si @MelvinMCMXCVIII, “Didn't get to catch Block Z on cinemas good to know that @iwant offered PPV for it that made me able to watch it this time. Epic film indeed with a touch of international cinematography. I'm rooting for a sequel.”
 
Pinanood naman ni @iamanjelofactor ang parehong iWant original series at Star Cinema movie ni Julia at sinabing, “Jusko. From I AM U to Block Z ni @barrettojulia. Super ganda. Super recommended movie. Watch this via @iwant app. Talagang ginising ko pa family ko to watch this film para sulit naman ‘yung rent.”
 
“Ikalawa ko nang panonood ‘to. Pinakauna sa sinehan. Ngayon mas na-appreciate ko na ang maliliit na details. Nood kayo guys, nasa iWant,” pahayag naman ni @KenethJeferson.
 

Samantala, parami nang paraming Pilipino naman ang nanonood ng mga libreng 1,000 pelikula sa iWant matapos tumaas ng triple ang itinaas ng panonood o views nito noong Marso kung kailan nasa bahay lang ang mga tao sa Luzon dahil sa enhanced community quarantine.
 
Mapapanood din ang “Block Z” sa ABS-CBN TVplus’ KBO, TFC Video on Demand, Sky Cable, at Sky Direct. Paara mapanood ito sa iWant, i-download lang ang app (iOs and Android) o bisitahin ang iwant.ph. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundin ang @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.