News Releases

English | Tagalog

Pag-ibig sa panahon ng quarantine sa iWant original na “Love Lockdown”

May 12, 2020 AT 02:57 PM

Love, obsession, and betrayal in iWant original movie “Love Lockdown”

Angelica, Jake, JM, Arjo, Sue, Tony, and Kylie star in first Filipino digital movie filmed in quarantine

Pitong buhay ang susubukin ng pag-ibig at kasinungalingan sa kauna-unahang Filipino digital movie na ginawa ngayong quarantine, ang “Love Lockdown,” na pagbibidahan nina Angelica Panganiban, Jake Cuenca, JM de Guzman, Arjo Atayde, Sue Ramirez, Tony Labrusca, at Kylie Verzosa, Mapapanood na ito sa iWant nang libre simula ngayong Biyernes (Mayo 15).
 
Kinuhanan mismo ng mga artista mula sa kani-kanilang tahanan ang iWant original sexy suspense film. Dahil hindi rin pwedeng mag-shoot nang magkasama, nagsilbing sariling stylists, production designers, at location managers ang mga bida, sa tulong ng mga direktor na sina Andoy Ranay, Darnel Villaflor, Noel Escondo, at Emmanuel Palo.
 
 Tampok sa “Love Lockdown” ang pagsasama ng tatlong kwento ngayong panahon ng quarantine. Magsisimula ang kwento sa magkasintahang sina Jacob (Jake) at Karen (Kylie), na magkasamang naka-quarantine at ituturing na munting paraiso ang kanilang sitwasyon. Mahihinto naman ang kanilang panandaliang kasiyahan sa pagtawag ng asawa ni Jacob na si Lesley (Angelica), na matutuklasan ang kanilang panloloko.
 
Matapos madiskubre ang pagtataksil ng asawa, makikilala ni Lesley ang isang bagong kaibigan at magiging bahagi ng pagkakabuhol-buhol ng mga buhay ng ibang tao habang lockdown. 
 
Ang three-part original film ay mula sa produksyon ng Dreamscape Entertainment. Ito rin ang nagsisilbing reunion project ng “That Thing Called Tadhana” lead stars na sina Angelica at JM, “Los Bastardos” co-stars at real-life partners na sina Jake at Kylie, at tambalang Arjo at Sue o ArSue mula sa teleseryeng “Hanggang Saan.”
 
Huwag palampasin ang mga maiinit na tagpo sa “Love Lockdown), na mapaanood ngayong Mayo 15 (Biyernes) sa iWant app o sa iwant.ph. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundin ang @iwant sa Twitter at @iwantofficial at @dreamscapedigital sa Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.