News Releases

English | Tagalog

Pahayag sa pag-apruba ng House committee of the whole sa HB 6732

May 13, 2020 AT 08:31 PM

Statement on the House committee of the whole’s approval of HB 6732

ABS-CBN welcomes the approval of House Bill 6732 by the House of Representatives Committee of the Whole that grants ABS-CBN a provisional franchise to operate until October 2020.

Malugod na tinatanggap ng ABS-CBN ang pag-apruba sa House Bill 6732 ng House of Representatives Committee of the Whole na nagbibigay ng provisional franchise to operate hanggang Oktubre 2020.
 
Nagpapasalamat kami sa liderato ng Kongreso at sa mga sponsor ng bill, sa pangunguna nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Majority Leader Martin Romualdez, sa kanilang pagkilala sa aming  pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan pagdating sa balita, impormasyon, entertainment, at serbisyong publiko sa kritikal na panahon ngayon.
 
Handa kaming sumailalim sa proseso ng franchise renewal at sagutin ang mga isyung nabanggit laban sa network, sa mga may-ari, sa management, at mga empleyado.
 
Nananatili kaming bukas sa mga opinyon at suhestyon na nakakatulong para mas mapabuti pa ang aming organisasyon at paglilingkod sa sambayanang Pilipino.
 
Lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng tao at grupong nagpahayag ng kanilang pagmamahal at suporta. Kayo po ang aming inspirasyon.  Maraming salamat.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE