News Releases

English | Tagalog

Lovi at Zanjoe, paglalaruan ng tadhana at pag-ibig sa “Malaya”

May 28, 2020 AT 04:26 PM

Lovi and Zanjoe lose and find each other in “Malaya,” now streaming worldwide on iWant and TFC.tv

Another dreamy masterpiece from “Glorious” creator

Pag-ibig na mahirap pakawalan ang matatagpuan nina Lovi Poe at Zanjoe Marudo sa “Malaya,” isang original movie mula sa “Glorious” director na si Concepction Macatuno, na mapapanood na sa buong mundo sa iWant at TFC.tv.

 

Tampok sa iWant original na ito ang unang pagsasama nina Lovi at Zanjoe na kinunan sa Italy, kung saan libo-libong Pilipino ang nakatira. Susundan nito ang dalawang taong nakikipagsapalaran sa isang banyagang bansa – isang makabuluhang kwento tungkol at para sa overseas Filipinos na naghahangad ng mas magandang buhay para sa kanilang pamilya.

 

Gaya ng nanay niyang nagtatrabaho sa bansa, pursigido si Malaya (Lovi) na tuparin ang mga pangarap niya para sa kanya at pamilya niya. Sa una niyang trabaho, makikilala niya ang masipag at misteryosong si Iago (Zanjoe), at mahuhulog ang loob nila sa isa’t isa. Kahit na tila itidhana ang kanilang pagtatagpo, magdedesisyon silang pakawalan ang isa’t isa para sa kanilang pamilya at ambisyon.

 

Muling magkikita ang dalawa pagkalipas ng ilang taon. Ngunit sa pag-aakala ni Malaya na ito na ang tamang panahon para sa kanila, masamang balita ang hatid ni Iago dahil ikakasal na pala siya sa iba.

 

Hanggang kailan dapat maghintay para sa tamahang panahon at tamang taong mamahalin?

 

Ang “Malaya” ay ipinrodus ng Dreamscape Entertainment at Sisu. Mapapanood na ito sa Pilipinas sa iWant at sa ibang bansa naman sa TFC.tv.

 

Panoorin ang “Malaya” sa TFC.tv at sa iWant app (iOs at Android) o iwant.ph. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundan ang @iwant sa Twitter at @iwantofficial at @dreamscapeph sa Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.